Sunday, May 6, 2018

Over and resolve

11:01pm. Will get back to work tom, dapat natutulog na ko.

Nakakatamad matulog. Gusto ko nalang magbasa hanggang sa sumakit ang ulo ko, o kaya mag picture ng mga products na ipo-post ko sa Facebook. Ayoko pa matulog.

Was browsing fb earlier. I saw someone's post and noticed the tiny star marking on the right indicating that I set his profile on a "see first" setting. I smiled and click the 3 dots and changed the setting from "see first" into "default". He was the only human being that I followed "see first".

How long was it? 11 years. Maybe my love isn't that shallow after all. 

--------

We have a guest last Fri na nakasabay namin pauwi. She kind of reminds me of Leian. I found out though that she's still single. I told her that if she's hoping to find a love life, she came to the wrong place because as far as I know, lahat ng member na single nung nagpamember ay single pa rin to date. Totoo kaya na may sumpa sa club? Lol. Come to think of it, nagka bf lang ulit si Neri when she left the club. I wonder of I should leave the club na. Haha.

Well, idk. Lately I've been reading my Tony Robbins book and it mentions something about modelling. Pick someone whose results you want to get. Copy their mindset, beliefs and behavior and you'll get the same result.

Sa tingin ko sigurado na ko sa result na gusto kong makuha. Iniisip ko nalang kung mali ba ang mga taong sinasamahan ko. Siguro dapat magkita kami ni Neri ulet. Tsaka parang gusto ko rin maging friend si Ms. Janice. I want to actively seek out people I can model from. I don't know if this will work but I want to at least try.

-------

Sa pagkakaalala ko, may part ng bible na nagsasabing protect your heart because everything flows through it. 

I've done this so many times at alam ko namang hindi effective, pero ginawa ko pa din. Sabi nila dapat daw maging specific tayo sa ating nga prayers. A little too specific ata yung saken. Sa dami ng taong hiningi ko sa Diyos, wala Syang binigay kahit isa. Pero dahil lahat ng hindi love life related na taong hiningi ko, binigay Nya, sigurado naman akong nakikinig naman talaga Sya. Sadyang sablay lang siguro yung mga hiningi ko. Still, hinahanda ko na rin ang puso ko sakaling mapag desisyunan Nya ulit na ibigay sa iba imbis na saken yung hinihingi ko. Ibigay Nya man o hindi, in the end, alam kong ibibigay Nya yung pinakamabuti.

Sigurado na ko sa gusto ko. Hindi man yung specific na gusto ko yung makuha ko, deliberately, gagawa ako ng paraan para makuha ko to.

--------

"Alam mo bang hiningi kita sa Langit?"

isang araw, sasabihin ko to sa taong makukuha ko.


Written by cinderellaareus at 11:34 PM.

write a comment


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.


About Me


my name is z


Message Board

your name:

url:

your message:


credits

layout || zaia

design inspiration || blogaholicdesigns
image || ruffled
blog host|| Tabulas
content || cinderellaareus


***



reliable Counter
Web Hits Stat

Real Time Analytics