Sunday, May 20, 2018

Hot

My head. Must be the red days.

I just got home after meeting a customer. All good. Was chatting with another while in the bus on my way to home. Nakakapikon kausap si Ate. "Last price" daw, insert smileys. Ano to, Divisoria? Raaaawr!

Pero sa tingin ko, hindi lang red days ang source ng init ng ulo ko. Kinailangan ko na naman mang unfollow ng tao sa facebook.

Nakakalungkot. Feeling ko kasi ganito rin ako years ago back when it was still R. Inuulit ko lang din yung mga mali ko. Dapat talaga hindi tumatalo ng kaibigan.

Bilang damage control, promise last na to.

--------

Just responded to a message from some dude na ages go ko nang dinededma. Nasa tatlong cathegory lang kasi madalas yung mga lalaking nagugustuhan ko. Minsan bading, minsan may asawa, minsan tropa. At least tong lalaking to, hindi nag fall sa kahit alin dito sa tatlo.

Sisimulan ko narin sigurong isa isahing i-accept ang friend requests ng nga taong hindi ko kakilala. Napanood ko kasi sa tv na yung iba, sa ganitong paraan nagkakatuluyan. Hindi naman sa gusto ko na magjowa agad agad. Kung tutuusin, yung gusto ko lang yung gusto ko. Ayoko naman talaga ng iba. Pero... sighs... sige, damage control. Para rin siguro mabaling yung atensyon ko sa iba.

..

Ang sakit pilitin ang sarili. Putek.

Pero ganun yata talaga. Parang bitter medicine na kailangan mong i-take. 

Nalulungkot ako.

Namimiss kita.

Ayoko na nga.

..

Promise, huling drama ko na to tungkol sayo...


Written by cinderellaareus at 09:55 PM.

write a comment


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.


About Me


my name is z


Message Board

your name:

url:

your message:


credits

layout || zaia

design inspiration || blogaholicdesigns
image || ruffled
blog host|| Tabulas
content || cinderellaareus


***



reliable Counter
Web Hits Stat

Real Time Analytics