Joyride
月曜日: June 17, 2019



Gusto ko ng joyride. Kahit hindi ako marunong mag drive, at wala naman akong kotse.

Past 9pm na nang dumating ako rito. I was fumbling for my keys, nang bigla kong naisipang bumili ng softdrinks. Meron naman sa kapitbahay, pero naglakbay pa ko sa paborito kong tambayan para bumili. Sa Angel's Burger.

Nakakatuwang tumambay sa Angel's Burger. Iba't ibang klaseng tao kasi ang nagagawi dun. Ang sarap nilang panoorin. Minsan may nakasabay akong bumili na isang pamilya na dumating doon na nakasakay sa kariton. Madumi yung suot nilang damit. Pumunta yung tatay sa may tindera at sinabing, "pabili nga ng dalawang foot long." Tapos nagsigawan yung mga anak nya ng "Pa, ako rin foot long! Ako rin foot long!" Hindi ko naman talaga alam, pero basta dama ko yung saya at pride nung tatay na alam nyang kaya nyang ibigay yung gusto ng mga anak nya.

Kaya naman saludo ako sa nagtayo ng Angel's Burger. Ginawa nyang mas abot-kaya ang burger at foot long para sa lahat.

Sana balang araw magtinda rin sila ng spaghetti. Yung kinse pesos lang pero lasang Jollibee.

--------

"Anak, uwi ka bukas, may alimasag."

Know what, I really love my mother.

I'm going to attend a seminar tomorrow that will last until 9pm so I can't really go home. Maybe on Wednesday. Then on Saturday, we'll be swimming in Laguna for Mom's birthday celebration. Ang sarap na kalimutan nalang lahat at i-look forward nalang ang mga masasaya at exciting na bagay na naka line up sa calendar ko. At kalimutan na less than 2 weeks nalang bago matapos ang buwan na ito pero wala parin akong nahahanap na bagong trabaho.

Hayst. Gusto ko mag joyride nang makalimot.

Lord, penging pera. T_T

---------

Ayoko ng feeling na naiinis. Hindi reasonable. Hindi productive. Hindi patas. Kaya naiinis ako na lagi nalang akong naiinis sa taong to. Parang hindi na maubos ubos yung inis ko.

Pero siguro, if there's someone I don't mind getting annoyed with, it could be you. 

And maybe pag hindi na kita gusto, hindi na rin ako maiinis sayo. But until then...

Naiinis ako na naiinis na naman ako sayo.



* * * * * * * * *



Written by cinderellaareus at 10:31 PM.

コメントを書く



Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

C I N D E R E L L A A R E U S
"A dream is a wish your heart makes when you're fast asleep"

about me

私の名前はZです。

navigate

Home
Archive
Profile
Gallery
Friends
Friendsof
Favorites


credits

template|| Up4Grabs
image 1 ||www.neatorama.com
image 2 || deviantart
KuroKen || Tenor
blog host|| Tabulas
content || cinderellaareus


layout design : izaia_zah






reliable Counter
Web Hits Stat

Real Time Analytics