Brown
金曜日: November 13, 2020



47 hours ng brown out. Nung kabataan ko, pag brown out, minsan lumalabas kami ng bahay para mag kwentuhan ng nakakatakot.

Pumunta kami ng esem kanina. Balak kong na charge ng cellphone sa coffee shop. Nagdala na rin ako ng extension. Yung maliit, para di naman garapal, pero kasya tatlong socket.

Pag dating ko, yun cbtl na di nmn npupuno dati e punong puno today. Tas kada poste ng esem n may power source, may tumpok ng tao na nakiki charge. Naisip din nilang magdala ng extension, but most of them didn't bother to be descreet. May nagcha charge pa nga ng electric fan. Lol.

Ok lang. Can't bring myself to judge. Crisis e. Nakikicharge din nmn kami. Had a few talks with people there. Naaliw din naman ako. Natuwa nga ko sa extension nung nakasama naming mag charge, may usb port. Tumatanda na nga ata ako. Ngayon ko lang nalam na meron na palang usb port ang mga extension ngayon.

Kung nangyari to 5 to 10 years ago, hindi siguro ganito ang reaction ng mga tao. Siguro 2 days of brownout wouldn't be so much of a big deal kung hindi natin natutunan to rely so much on gadgets at internet.

Alam mo ba, ngayon nalang ako ulet nagbasa ng libro. I would've spent this day binge watching on Netflix kung di lang brownout.

It's not really so bad. Mejo nakakapagtaka lang na may ilaw na sa kanto. That's just about 10 blocks away from us.

As of the moment, 49% nalang ang battery ng cp ko. I wasn't able to have it fully charged, kasi by 4pm, pinapaalis na kami ng guard. If this brown out will continue tomorrow, hindi ako makakapasok sa trabaho. I hope I'd have enough battery left by then to at least inform our TL that I couldn't work. 



* * * * * * * * *



Written by cinderellaareus at 11:40 PM.

1 コメント



Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on November 14th, 2020 at 11:13 PM
stay safe
C I N D E R E L L A A R E U S
"A dream is a wish your heart makes when you're fast asleep"

about me

私の名前はZです。

navigate

Home
Archive
Profile
Gallery
Friends
Friendsof
Favorites


credits

template|| Up4Grabs
image 1 ||www.neatorama.com
image 2 || deviantart
blog host|| Tabulas
content || cinderellaareus


layout design : izaia_zah






reliable Counter
Web Hits Stat

Real Time Analytics