nagmumukmok sa lungga..
mawala man di mapupuna..
di masisi layuan man
di masisi ipagtabuyan man
sa kanlungan ng madungis na daan
dun marahil nababagay
mga tinig na walang saysay
isigaw man di maririnig
sa kariktang pinagkait
magkukubli na lamang ba?
sa kauring taong grasa
sa kanila ba may pagasang
ang inusal kong awit ay sayawan din nila
..
..
..di na masasagot..
mananatiling kimi
sa isang sulok ng lunggang ginawang kanlungan
ng kaluluwang nag iisa
na humihiyaw ngunit di naririnig..
sadya bang malupit ang daigdig..
..
..
,,
pagtatakhan ba?
kung kaiinggitan man si sisa
at mga kauri nya
silang di alintana ang lamig..
silang sumasayaw sa tugtog ng sarili nilang daigdig
silang di mababagabag sa di makataong pagtrato ng mga taong
tinatawag na normal..
pagakat di nila batid..
o marahil natutunan lamang nilang maging manhid..
may kinabukasan pa ba??
pagtatagpuin ba??
sa marungis kong daan..
sa dugyot kong katauhan??
saan ba pupunta?
saan nga ba?
03:27 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く