Saturday
土曜日: August 15, 2020



My daydream last night involved a scenario on what I'm gonna do if mabibigyan ako ng chance na bumalik sa past at baguhin ang mga decisions ko sa buhay. Minor stuff. Tingin ko wala naman talaga akong pinagsisisihan sa mga pinaggagagawa ko noon. 

Pero kung bibigyan ka ng chance na bumalik sa past to start over again, babalik ka ba?

Ako, hindi na siguro.

--------

When was the last time I left the house?

Nakalimutan ko na ang feeling ng nakasuot ng sapatos. When we went to SM few months back, naka tsenelas at harabas clothes lang ako. Lol. Ok lang, naka mask naman. They wouldn't know it was me.

I have absolutely no problem about having to stay home. Nalulungkot lang ako because my niece and nephew are not here. A day before they left to Cavite for my baby nephew's vaccine schedule, I was watching tv with my niece and she told me, "Tita nalulungkot ako. Ayoko kasi pumuntang Cavite. Gusto ko dito." She never said anything like this when her mother is around. Kawawa naman ang pamangkin ko. Naiwan pa nila yung dede nya rito sa bahay.

When she said that, I told her na uuwi lang rin naman sila agad. But then, MECQ happened. And now I don't know if they'll be able to go back home after 18th. I miss my niece so much. T_T

Nakakapraning to have children at a time like this. 

------

Ewan ko kung guni guni ko lang, pero parang ang cute ni kit neito. Ang galing nya pa. Fit. At may taste pa sa sapatos.

Pag natapos ang pandemya lilipat na ko sa Cainta. 

Char.



* * * * * * * * *



Written by cinderellaareus at 10:33 PM.

コメントを書く





Byouki
火曜日: August 11, 2020



2 days nalang at off ko na, napa absent pa ko.

This could be just allergies. Madalas naman talaga akong may sipon. Pero takte, ansakit ng ulo. Parang may sariling buhay. 

Andami pa man ding ticket. Tokwa. Baka lecturan ako nung user kong assoc director pag next week ko pa sya mabalikan. T_T

Gusto ko na rin mag message kay Divya na, "I am absent and sick today. Please don't add more tickets under my name." 

Lagot ako neto bukas. : (



* * * * * * * * *



Written by cinderellaareus at 09:56 AM.

コメントを書く





Sudden thought
月曜日: August 10, 2020



J? Kamusta ka na? May utang pa akong love letter sayo.

-------

Nagawa kong mag uninstall and reinstall ng Jabber on my own today. Parang anlaking ang achievement. Parang IT na IT na talaga ko! Lol.

Holiday in Japan today so there were very few calls and chats nung umaga. Wala rin si Divya so hindi nadagdagan ang sangkaterbang ticket na nasa pangalan ko. Nagka oras din ako mag test ng troubleshooting na gagawin ko sa isa sa mga Japanese users ko pag balik nila bukas.

Isa sa mga questions dun sa language interview e kung ano daw gagawin pag may teido warui (masama ang ugali) na user. Kahit yata sa english or tagalog e hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong na to.

I have one ticket that's been keeping me awake at night. Difficult person kasi yung user. Hirap kausap. Ngayon ko lang na check, associate director pala sya. Sa kasamaang palad, may isa pa akong ticket na para sa kanya.Takte, bahala na.

Anong gagawin mo pag may difficult na user? 

Kung ibang nationality, parang mas madali i-handle. But Japanese are particular when it comes to politeness. Kaya hindi ko talaga alam.

11:51 na. Ang hirap matulog these days.



* * * * * * * * *



Written by cinderellaareus at 11:53 PM.

コメントを書く





Sunday
日曜日: August 9, 2020



24 tickets today. There are over 40 tickets under my name na di ko pa nagagalaw. Iniisip ko kung kelan ba mauubos ang mga tickets na to. Basta, I will do my best, pero hanggang best lang.

About a week back, I had a mini argument with Robert, who is the sole Japanese speaker na kasama ko sa AM shift. Wala lang naman. Medyo nagulat lang ako kung saan nya napulot yung tibay ng sikmura to ask me kung ilan ang mga Japanese tickets ko. Wala naman akong planong makipag argument. Daming trabaho, sayang oras. Sinagot ko lang talaga yung tanong nya sabay send ng screenshot to show the glaring difference ng productivity naming dalawa. Lol.

Nag message si TL na wag ko na patulan. May long line pa ko ng users na naghihintay to be attended kaya hindi na rin ako nag reply.

Sa totoo lang, nakakainis. Style nya kasi yung pag may pinapa update na ticket sa kanya, di nya pinepending sa name nya. Update lang talaga. Kahit Japanese pa yung ticket. Di rin ako magtataka kung bakit kahit off ko may mga ticket endorsement parin sakin, kasi alam ko naman na hindi talaga sya maasahan.

He works sa office now. Stable ang internet connection at may working actual Avaya phone pero andami nya paring reklamo na parang sya pa yung dehado kaya halos hindi nya ginagalaw yung mga ticket na nasa pangaan nya.

Before Converge came, I've been using may cp's data para i-connect ang office pc ko sa internet. Pahirapan kumuha ng signal bago maka connect sa Avaya at madalas pa ma disconnect. Pero kahit ganun, hindi naman bumaba ng ganyan ang productivity ko.

Pero ok lang. I refuse to surrender my peace. Ayokong idagdag si Robert sa mga problema ko sa buhay.

I'd do my job. Same strategy. Hanggang kaya lang.

--------

An extension to our house is being constructed for a week now. May naging problema sa bubong and we had a mini argument over it kaya ang bahay namin na dating puno ng kulitan at tawanan e tahimik at wala nang kibuan. But I know we will get past this.

We could've prevented all this from happening kung nag drawing lang sana ako ng plano para sa ginagawang kusina. Pero pagod kasi ako sa trabaho at 2 days nga lang ang pahinga ko para magawa yung mga bagay na gusto ko, tapos nag do drawing pa ko?

Nakakainis lang we know very few competent workers who can replace. Lahat nasa malalayong lugar pa. 

But again. I refuse to surrender my peace. We'll just do what can be done, then let the problem fix itself.

--------

Red alert today so there is this hammering pain in my lower abdomen. Kung ako masusunod, ayoko talagang pumasok. Kawawa lang rin kasi yung kasama ko sa trabaho today. 3 persons lang kasi ang agents pag weekend ng umaga. Pag Saturday nga, 2 lang kami. Kung sakin kasi mangyayari na ako lang mag-isa ang maiiwan mag susupport, iiyak siguro ako. Lol.

Pero kung si Robert siguro ang kasama ko, aabsent ako kahit weekend. Char.

--------

Andaming mahirap na ticket these days. Iniisip ko nga kung naging IT ba ang course ko at hindi Civil Engineering nung college, magiging mas madali ba para sakin to?

Pero di ba, nakakagawa nga ko ng Tabulas template without any knowledge in html, so siguro my future naman ako kahit paano sa trabahong to? Lel. 

Andaming ginagawa. Ilang ticket kaya ang ibibigay sakin ni Divya bukas? Di ko pa nga nagagalaw yung iba.

--------

Pahihigpitin pa ang MECQ sa SJDM starting tomorrow. May announcement pa nga ang baranggay kanina. May liquor ban, mandatory na pag gamit ng face shield, curfew, bawal lumabas ang senior at bata, etc, etc.

Ok lang. At least mapipilitang hindi lumabas ng bahay ang mga magulang ko. 

As long as I still have the people I care about, kahit ano pa yan, kaya ko yan.



* * * * * * * * *



Written by cinderellaareus at 10:12 PM.

コメントを書く





Thursday
木曜日: August 6, 2020



Rest day today.

Dumating ang baranggay at nagkaron ng libre bakuna ng anti-rabies para sa mga aso at pusa. This is a yearly thing. Our pets seem to be calmer if I'm the one carrying them during vaccination, so most of the time, trabaho kong buhatin ang mga aso at itapat ng pwet nila sa maliit na butas na opening ng tindhan namin para ma injection-an. This year's a little different because we now have a cat. My cat is scared of strangers. Kahit sa kapatid ko takot yun. I asked the baranggay people na wag muna mag ingay para di matakot yung pusa. Needed to wrap my Juifen inside a jacket para di mangalmot at mangagat. After some hissing and clawing, we managed to have him vaccinated without getting a single scratch.

Also today, we had the language interview for work.

Know what, I have this japanese ticket na pinopreblema ko dahil di ko ma resolve. Because of this, part of me don't really mind getting kicked out of this job. Pero, takte, Universe, I need money.

Kung ako masusunod, I just want to spend time with my family, mag crochet, makipaglaro sa mga alaga ko at manood ng k-drama or anime. Nung kababalik lang namin sa taiwan, na home quarantine ako ng 16 days. Feeling ko kulang na kulang parin ako sa baksyon. Kahit wfh ako, during may workdays, naho homesick parin ako. Lol. Ang weird lang.

Gusto ko nang yumaman.



* * * * * * * * *



Written by cinderellaareus at 11:34 PM.

コメントを書く





Uncertainty
: August 4, 2020



Just got a message a few hours back na makakaron daw ng language fluency interview ang Japanese team. Nakakatakot. Takte. Bakit parang wala namang ganun ang Chinese at Korean.

Alam ko marami akong reklamo sa trabaho, but Heaven knows I need this job. Kawawa naman ang nanay ko. T_T

Lord, please help me.



* * * * * * * * *



Written by cinderellaareus at 11:54 PM.

2 コメント





10:29
月曜日: August 3, 2020



Naranasan mo na ba yung sa sobrang pagod mo parang nasusuka ka na?

9 calls, 18 backlogs.

There were days when I had more, pero siguro kaya nahihilo na ko sa pagod e dahil there were times na pinagsabay ko yung chat at call dahil nahihiya akong mag aux dahil konti ang tao namin.

This girl can't multitask. 

Ewan. Minsan mejo nakakainis na kailangan ko pang mag sorry pag mag a aux ako e ginagawa ko lang naman ang trabaho ko. Nung mga alas 3 na, kahit walang avail, nag lunch ako kasi mejo nagba black na yung paningin ko sa pagod at gutom.

With the intergration, dumami ang users na sinusupport namin. Hindi ko alam kung may mga nahire na ba, pero sa Japanese, training na daw. Kahit weekends, takte, queuing. 

Hindi pwedeng ganito. Ayoko magkasakit. Ayokong maospital ng dahil sa pagod. Hindi ako naglileave kasi kawawa rin yung mga kasama ko sa work na maiiwan para mag support.

Ilang araw na rin akong hindi makatulog. Naiisip ko yung mga tickets na nakapending sakin na hindi ko manlang nagalaw. At yung mga tickets na hindi ko alam kung paano ko ireresolve.

Pero takte, hindi pwedeng ganito. Ayoko paring mag ot.

Nung out ko na, nagtratrabaho pa si kuya. Oty. Sabi ko, "para tayong alipin no? Paid lang. Pero alipin parin."

Hayst.

I dont want to hate this job. I need this job. Dear Universe, please help me.



* * * * * * * * *



Written by cinderellaareus at 10:53 PM.

コメントを書く





Quick update
日曜日: July 26, 2020



Dumating n yung Converge. Makakapagtrabaho na ako ng maayos.

Bago matulog, sis-in-law went into my parents room and saw the 3 of us looking down with a cellphone in our hands, not talking. Lol. 

Still, I'm happy I'd be able to work better now. Sakto lunes bukas.

---

Busy as ever. Dalawa parin ang j-agents sa morning. Sa dami ng makakasama ko sa umaga, si Robert pa. Takte.

Pero ok lang. Kaya yan.

Just got an email galing sa TL namin na crush ko. I, and someone from the Chinese team, were added daw sa queue ng Bio****. Backup lang naman daw in case may tumawag outside support hours. Ewan ko. Bat di nlng gawing backup ang lahat para mas magaan ang work load. Though sbi unlikely rin nmn daw n may tumawag. Pero ok lang. Fight!

Same strategy ulet this week. Will do my best, pero hanggang kaya lang.



* * * * * * * * *



Written by cinderellaareus at 11:29 PM.

コメントを書く





Ato ichinichi
火曜日: July 21, 2020



From 12am to 9pm, 10am to 7pm na ang shift ko today and for the rest of the week. Thur Fri pa rin ang off.

Robot mode more than ever. Japanese agents were down to 2. Nung 4 pa kami pagod pagod na, ngayon nangalahati pa.

Over 40 tickets, 20+ lang ang nagalaw ko. TL asked me to interview applicants for the Japanese language assessment. Kahit tambak ang tickets ko, I obliged. Kawawa rin kasi. Wala naman siyang ibang maasahan. Alangan namang si Robert. 

Nagtanong na rin ako kay TL kung talaga bang 2 lang kami. Binanggit ko na rin na hirap na kami sa dami ng  tickets at nagagalit na yung ibang user. Baka kasi hindi nya alam. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang daming japanese speakers sa gabi e halos wala namang Japanese users sa ganung oras. 

Siguro may reason. Hindi ko lang talaga alam kung ano. Basta alam ko lang, nakakapagod. I actually thought of working overtime para matapos to kaso pumipitik pitik n yung sakit ng ulo ko. Bahala na. I will do my best, pero hanggang kaya lang.

Mejo natouch ako kay Niren. Lahat kasi ng tasks na binigay nya sakin today e naka English na at ipapasa nalang. Kinuha nya pa yung isa kong ticket. Salamat, Niren. T_T

---------

Birthday ng kapatid ko today. Kahapon, for the 1st time since community quarantine, pinapasok sya sa office ng company nila. When he got home, his daughter was there happily greeting him. It was then that I thought that, "oh, someone owns my brother." Then, I also realized that no one owns me. But it's nowhere near a bitter realization of any sort. More like recognizing something obvious. Ganun. Like, "ay, green pala yung dahon," or "ay, blue pala yung langit." Hindi naman talaga bitter. May liberating feeling pa nga e. Yung tipong, "wow, no one owns me! I'm free!" 

I don't think being owned by someone is bad thing though.

Nakakatawa lang na while I was doing all these muni muni, napalingon ako and saw my cat lovingly looking at the lizard on the ceiling. Narealize ko tuloy na, "nah, this silly cat owns me." LOL! And it's not really so bad.

--------

1 day to go at off ko na. Gusto ko manood ng anime movies at mag crochet lang buong araw at makipaglaro sa mga pamangkin ko.

Isang araw pa. Fight!



* * * * * * * * *



Written by cinderellaareus at 10:53 PM.

コメントを書く



« Newer · »
C I N D E R E L L A A R E U S
"A dream is a wish your heart makes when you're fast asleep"

about me

私の名前はZです。

navigate

Home
Archive
Profile
Gallery
Friends
Friendsof
Favorites


credits

template|| Up4Grabs
image 1 ||www.neatorama.com
image 2 || deviantart
blog host|| Tabulas
content || cinderellaareus


layout design : izaia_zah






reliable Counter
Web Hits Stat

Real Time Analytics