feel like the old days. me, being the only child present at home, kumo- quota na ang mga tao dito sa kakatawag ng pangalan ko.
anak bili ka ng ganito.
nak, kunin mo nga yung ganito kay ganito.
nak, abot mo nga saken yung ganito..
im not actually complaining. it just makes me realize how so not-adult i feel whenever im here at home. no responsibility whatsoever. see, i dont cook, i dont wash clothes, i only run errands. its not really that bad. kung tutuusin, nagkakaron lang talaga ko ng pakinabang sa mundo pag meron akong trabaho.
final interview ko na tom sa isang company na gusto kong makuha. yung j-guy na naging textmate at skype-mate ko na after ng initial interview ko sa company nila, nasa japan daw ngayon. tatanungin ko sana sya kung anong ibig sabihin ng "technical interview" at ano bang magandang preparation ang dapat gawin. dapat talaga nag-aaral ako ngayon.
hindi naman ako tinatamad. i just want to prepare R A V E stuff. see, my tito will be having a house blessing this sunday. syempre aalukin ko sya ng products namin pati yung ibang bisita. business, business. yeah..hehe..
dati ang laman ng isip ko e kung pano ko maayos ang error ng jupiter. kung pano ika-kaiwa ang complicated na buzai. kung anong tumbling ang dapat kong gawin para tumama sa coordinates ng senkei sa ginawa kong honegumi..
absorption. siguro ayun yon. pati sa panaginip dinadalaw ako noon ng mga bagay na related sa trabaho ko. ngayon, dahil wala akong work, sa ibang bagay naman ako absorbed. sa rave, minsan sa stock market. minsan sa pangarap kong yumaman. basta ganun. siguro nga in someways adult narin ako.
sa ngayon, gusto kong iexcute lahat ng plano ko. pag nag materialize na kaya lahat ng plano ko, sasaya na ba ko?
may mga time parin na hindi ko talaga alam kung meron pa bang makakapagpasaya sa akin. bagay, tao, achievements, ewan ko. sabi nila choice daw ang pagiging masaya. ewan ko din. bahala na.
kinakabahan ako para bukas. pag kasi wala parin to, waiting game na naman. i know i shouldnt be afraid of failure. failure shouldnt be included in my options in the first place. ganun ako mag-isip dati. kung may isang bagay kasi na sigurado ako sa sarili ko noon, yun ay yung mga kaya kong gawin. pero ngayon ewan ko kung nasan na yung confidence na yun. baka namundok na, o baka nasa outer space na.
sighs.
a few days from now, ano kayang isusulat ko sa blog na to?yehey or huhu or magpapanggap nalang na walang nangyari..or pwede rin na wala naman palang "a few days from now"
hay, buhay
03:14 PMにcinderellaareus によって書かれました。
4 コメント