---------------
BSP9-Persuade with Power
Title: Seek and you shall find
Time: 5~7 minutes
---------------
Dama mo ang kada palo ng orasan. Tik tak tik tak tik tak.
Minsan pakiramdam mo para kang time bomb na sasabog nalang.
‘Twing may reunion, itatanong sayo, “trenta ka na wala ka pang asawa?”
‘Twing may ikakasal naman ang sasabihin nila, “Uyyy, susunod na sya…”
Yung pinsan mo na noon baby pa, ikaw dalaga na.
Ngayon may baby na, ikaw dalaga pa.
Napag-iiwanan ka na ba?
Bilyong bilyong tao sa mundo, gaano nga ba kalaki ang chance na at least isa dyan, nakalaan para sayo?
Ayon sa Philippine Statistic Authority, mayroong one hundred four point ninety two milyong tao daw sa Pilipinas. Fifty two point eighty eight million dyan, lalaki. Kung ang target mo ay mula thirty hanggang thirty nine years old, seven point nineteen million. Ang single dyan, three point thirty seven million. Ganyan karami ang choices mo.
Nasa lipunan tayo kung saan tinuruan tayong maghintay at maniwalang kung nakatakda, mangyayari. Kung ukol, bubukol. Na ang tunay na pag-ibig, sa tamang panahon ay ihuhulog lang ng langit kahit wala kang ginagawa.
Bakit nga naman hindi? Si Snow White nga, kumain lang ng mansanas at si Cinderella, nag-iwan lang ng sapatos, pagkatapos, boom! Nakatagpo sila ng Prince Charming.
Nakakatawa na t’wing bibili tayo ng gadget, mag reresearch tayo. Magbabasa ng reviews para sa magandang model. Hihingi ng recommendations sa mga kaibigan at kakilala naten. At bibisita ng napakaraming gadget stores hanggang sa mahanap naten ang gadget na fit para saten.
Pero sa paghahanap ng taong makakasama naten habang buhay, handa tayong saluhin ang unang jerk na ibato saten ng tadhana. Hindi ba walang sense?
Sa libro ni Bo Sanchez na “How to find your One True Love,” sinabi nya na isa sa mga paraan para ma-attract ang One True Love mo ay ang pagiging responsable sa paghahanap nito.
Huwag mong iasa sa langit. Huwag mong iasa sa kapalaran. Huwag mo iasa sa mga bituwin. Sa parehong hindi mo iaasa lang sa langit ang pagtupad sa mga pangarap mo o ang paghahanap ng paraan para mabayaran mo ang mga bills mo.
Pero, teka, kung ako ang maghahanap, paano kung hindi si “the One” yung matagpuan ko?
Na brainwash tayo ng lipunan sa konsepto ng “the One”. Destiny. Tadhana. Na may iisang tao-IISA LANG-na nakatakda para satin.
Pitong biyong tao sa mundo, gaano naman kalaki ang chance na matagpuan mo ang “the One” na yan? One in Seven billion. Mas malaki pa ang chance mong tamaan ng kidlat o manalo sa lotto.
Hindi ko alam kung ano ang paniniwala mo, pero naniniwala akong kung totoong may Diyos na lumikha ng lahat, isa syang tagapaglikhang mapagbigay. Pinuno Nya ang mundo ng napakaraming biyaya. Binigyan Nya tayo ng iba’t ibang uri ng puno, halaman at hayop para marami tayong pagpipilian. So, bakit Nya lilimitahan sa iisa ang pagpipilian natin pagdating sa taong makakasama natin sa buhay? Naniniwala ako na marami posibleng maging “the One.”
So, kung hindi iisa ang “the One” at may three point thirty seven million kang pagpipilian, ibig sabihin ba magiging madali lang ang lahat? Uhm… hindi rin.
Si Oliver Emberton, sa kanyang blog ay nagbigay nag formula para sa dating success.
Dating success = Jellybeans x awesome
Isa isahin naten.
Jellybeans.
Kunyari may isang garapon na pupunuin mo ng limang daan na pink jellybeans at limang daan blue jellybeans. Gaya ng karaniwang social circle, hindi gaanong mahahalo ang mga pink at blue jellybeans. Isa ka sa jellybeans na yan at kailangan mong makihalo, makihalubilo, dahil ito daw ang multiplier ng dating success mo.
Multiplier. Kasi mayroon ka nang magandang produkto, sarili mo. Kailangan mo lang iharap ito sa mga potential buyers. O sa kasong to, potential partners. So, mix up.
Ang sumunod ay Awesome.
Posibleng merong mga tao na mas attractive kesa sayo, pero ibig sabihin ba, wala ka nang magagawa tungkol dito?
Sabi ni Oliver Emberton, “make a life that’s awesome”. Kapag awesome daw ang buhay mo, tumataas ang attractiveness mo.
Maraming taong single ang nagtataka kung bakit nananatili silang single. Magaganda naman sila, matatalino, mabubuting tao.
Karamihan sa mga single na ito ay ginugugol ang bawat weekend nila sa harap ng TV. Paminsan minsan, tatayo sila papuntang ref. Tapos babalik sa harap ng TV. Ref TV Ref TV. Kailangan nilang ma-realize na sa pagitan ng ref at TV, walang masyadong potential partners dun. Kailangan mong palawakin ang mundo mo. Gawin mong awesome ang buhay mo.
Mag volunteer, sumali sa mga clubs, sa Toastmasters. Matuto ng bagong sports o di kaya ibang languages. Sa ganitong paraan, parehas mong mami-mix ang jellybeans at makakagawa ka rin ng buhay na awesome. Karamihan sa mga kakilala ko ay nakilala ang naging partner nila sa buhay sa mga ganitong klaseng activities.
Tandaan mo, may magagawa ka para sa kinabukasan ng sarili mong love life. “Seek and you shall find,” sabi nga sa bible.
Kapwa Toastmasters at mga panauhin, ang pagpili ng taong makakasama naten sa buhay ay isa sa pinakamahalagang desisyon gagawin natin. Huwag naten itong ipaubaya sa tadhana, huwag naten tong isa walang bahala. Dahil ang mga bagay na mahalaga, pinag-iisipan, pinagpaplanuhan, at kung sakaling hindi mo pa natatagpuan, hinahanap.
---------------
This speech lacks coherence, but for some reason, I ended up the best prepared speaker that night.
the GE who was a law student said gusto nya daw ako kasuhan for having so many english words for my supposedly filipino speech. lel.
So long as my audience is happy, then im happy. im just so glad bsp9 is done and over with. wooohooo! Plus, this is my first (and maybe, only) speech in tagalog.
bsp10 na lang. pero saka ko na siguro to pro-problemahin.
10:59 AMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く