Sabi kasi, imbis daw na maging driven kang makatakas sa gusto mong takasan, dapat ang drive mo e galing dun sa gusto mong puntahan.
Ano bang gagawin ko pag mayaman na ko?
Siguro papa ombre ako ng buhok. Papa treatment ko na rin para gumanda. Syempre, isasama ko si mama para parehas naming lalong gumanda.
Gusto ko rin gumala. Pero ako lang mag isa. Gusto ko yung tahimik. Tapos may dagat. Bigla ko tuloy namiss yung Boracay. Bakit kaya may tahimik feel ang dagat kahit di naman talaga?
Gusto kong bumili ng Dr. Martens na boots kahit hindi ko sure kung may kasya ba saken.
Gusto ko rin mag aral ng acting. Wala lang, para gumaling na ko sa pag dedeliver ng speech.
Tapos aattend ako ng discon sa cebu. Gusto ko ma meet si dananjaya. Shet! Kailangan ko pala talagang umattend ng discon. Huhu.
Gusto ko rin tumira sa cebu for a while. Kakain sa zubuchon kahit meron naman na sa megamall.
Pupunta ko sa parang castle na simbahan sa sibonga.
Gusto ko lang siguro mag isip isip.
Kahit sa imagination ko, inclined parin sa pagtakas. Sighs... Gusto ko na yumaman.
----
Last workday of the week tomorrow. OB ang APAC so malamang kami lang ni partner. Since he doesnt really stay much, im actually looking forward to being alone. Normal ba pag ang tao eh excited maging mag-isa? I dont know.
I love silence. I also love the feeling of liberation pag nag-iisa. I do love spending time with people i like though, and I dont really hate spending time with people i dont. I just like being alone.
Nag leave ako ng Monday and Tuesday so its my turn naman to have a long weekend.
On Sunday, mom and i will shop for new eyeglasses sa Quiapo since the ones we have is already hurting our heads. Nagbago na naman ata yung grado ko. I love Quiapo, I'm excited. Besides, the headaches have been more persistent lately. Kailangan na rin talaga. Mon and tues were scheduled for a movie day out.
Ang simple lang ng mga araw ko. Hindi pa naman kasi ako mayaman. Pero sa totoo lang, masaya rin naman ako sa ganito.
Still, sana yumaman na ko.
Gusto ko rin kasi talaga mag pa ombre. Bagay kaya saken ang pink?
07:29 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く