So, andalas kong umiyak lately kaya laging ang sakit ng ulo ko. Gaya kanina paalis ako ng bahay at nakita ko sa news ang nangyayari sa Australia. Awang awa ako sa mga hayop. Sumakit yung ulo ko sa pagpigil ng luha kasi pag nakita ng nanay ko na mugto ang mata ko at namumula ang ilong ko, anong isasagot ko pag nagtanong sya? Lol.
May nabasa ako na umuulan na daw sa Australia. Sana tuloy tuloy na. Heavens, please...
------
So ayun. Most of the time, normal naman ako. Pero kanikanina lang mejo bad trip ako dahil sa daming hassle na na eencounter namin in planning my trip to Taiwan. I asked TL if he got the leave request I sent him. He did daw. Hindi lang daw sya Nag reply. I don't know kung anong ibig sabihin non at kung papayagan nya ba ko. Juice colored, ayoko na maghanap ulit ng trabaho.
Tapos problema din ang pag book ng place. Initial plan kasi bilang babae kami lahat, all girls hostel. Pero dahil kasama si papa, I was met with the following options:
1. Mag all girls kami lahat with Mom and then Dad will be on the other floor na all boys naman.
2. Mixed na boys and girls pero pati cr dun mixed na boys and girls.
Sa totoo lang, nahihiya na ko kay Mel sa hassle na dulot nito. Ayoko ihawalay samin si Papa kasi matanda na yun, baka biglang madulas or something e hindi na malakas ang tuhod nun. Pero parang hindi rin ako comfortable na may kasamang mga lalaki na hindin ko kilala sa banyo. Nag check ako ng airbnb. Magaganda sana at comoarable ang price, kaso naman 'Te, naka Chinese! In the end, I told Mel na the 3 of us will opt to the mixed option nalang. If ever, pwede naman na sabay sabay nalang kami mag cr kung nakakatakot. Malay mo, sa mixed cr ko makilala yung "The One" ko. Lol.
Irita, inis, saya, drama moments-- halo halong emosyon ang na fi feel ko lately. Siguro malapit na mag time of the month. Must be hormones. Pero ngayon, natutunan ko na magpalit palit man ang nararamdaman ko, hindi parin feelings ang bubuo ng pagkatao ko, kundi siguro e yung mga choices ko. I'm choosing to be happy and calm no matter how messed up I feel inside. 34 years of existence told me that feelings do pass by anyway. Walang reason para ma attach tayo sa emotions natin. Ganun. Basta ang hirap mag explain.
-------
Contest on Sat. Tinatamad ako. May practice din kami bukas. Tinatamad din ako. Kaya ko lang gusto pumunta e dahil one of us is a doctor, and he reserved us a practice venue sa conference room sa isang hospital na malapit sa work ko. Bilang isa sa mga frustrations ko ang maging doctor, gusto ko pumunta dahil lang sa venue. Tsaka parang ang astig e. May conference room pala sa hospital?
Iniisip ko parin kung pupunta na ko. Putek, nakakatamad.
-------
Sana okay kang sina Brett at Eddy sa Australia. : (
08:44 PMにcinderellaareus によって書かれました。
4 コメント