9:22am. 10 o'clock ang pasok ko pero halfway palang ako ng byahe. 3 consecutive days na kong late. Ayoko na, Universe!
------
A lot of things running in my head. January palang, puno na ang sched ko the entire year. Hindi ata sasapat ang 10 VLs ko. I don't even know if may VL na ko since I'm yet to hear anything about my regularization eventhough I'm on my 6th month here already. Bahala na.
------
I've been browsing for luxury pieces recently. Hindi naman talaga ako bibili. Pinapasaya ko lang ang sarili ko at the thought na kahit paano, afford ko naman yan. Tumitingin din ako ng mga murang tours kung saan pwede kong dalhin ang buong pamilya ko. Next year nalang siguro. Kaso may bago na kaming baby non (sis-in-law is pregnant and I'll be having my 1st nephew around May 2020!), baka mahirap pa mag travel.
Naalala ko yung sabi ni Rex Mendoza dati. Most of the rich people daw do not enjoy spending money, they enjoy making more money. Siguro same yun sa sayang nararamdaman ko pag nakikita kong tumataas ang presyo ng stocks ko sa stock market. Ewan ko. Siguro imbis na humanap ako ng pagkakagastusan e dapat humanap ako ng way to make more money... something sustainable. Para dumating ang araw na hindi ko na kailangan matakot na mawawalan ako ng trabaho kung lagi akong late or absent. Don't get me wrong, I love my job. I love the people here. And I still consider this as one of God's greatest blessings since last year.
Still, hindi parin nawawala ang pangarap kong maging financially free.
May nakita akong ad sa fb tungkol sa business presentation for travel and tours business. I sent them a message to express my interest. Alam kong marami nang travel and tours business, pero ok lang. I want to still try.
------
Kagabi, a friend sent me a message na may sars daw sa China at may potential na mag spread sa Taiwan. I researched about it and can't help but feel worried. Kung ako lang mag-isa, ok lang. But I'm bringing my parents with me, so I'm not so sure anymore. I told Mom about it and mentioned that Taiwan is tightening their security by monitoring the temperature of the people arriving to their country. Mom said she have colds daw and decided to see a doctor kasi baka daw hindi sya papasukin sa taiwan pag may sakit sya. She's more concerned about not being let in, than catching the virus. Ewan ko sa nanay ko. Kung ako masusunod, ayoko na sila tumuloy. Mas mataas kasi ang mortality rate sa mga people ages 50 and above pag nagkaron ng SARS. Iniisip ko nalang, love naman kami ni God. Siguro magma mask nalang kami the entire travel and madalas na mag a alcohol at sanitizer.
-------
Isang linggo ka nang absent. Bakit?
09:47 AMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く