. February 14, 2020

Nobody's Mouse

As always.

Mom got her pension in partial lump sum today. She used some of the money to bring us to a resto and bought my brother and my niece shoes. It was agreed that instead of Mom bringing them pasalubong from Taiwan, dito nalang sa Pinas bibili. When sis-in-law teased na kawawa naman daw ako, bat ako wala (I actually bought a pair for myself that I paid with my own money), to which Mom said, "e kasama naman namin sya sa Taiwan."

That was when I felt like something was off. You should bring your other kid pasalubong when you failed to bring him along at yung other kid lang ang sinama mo. But that wasn't our case. It was I who brought my parents to Taiwan. They didn't bring me there. They didn't spend a single cent in that trip. So mali talaga. Nung umalma ko, Mom said, marami ka namang pera.

I remember the time na nagbaon ako ng lunch sa work para lang makaipon ng pang gastos sa pag-alis namin. She knew that. She knew also that salary just came and very few was left because I needed to pay all my credit card bills and I still have a few thousand to pay to Mel to which Mel agreed na sa March na ang bayad. Alam nya rin na wala akong leave credits at hindi ko alam kung may sasahurin pa ko next cut off. Maraming pera? Mali.

Umalma ulet ako. She offered to pay for my shoes. Pero I decided against it. Huwag na. Para kasing lagi nalang kailangan magpaawa para mabigyan. Nakakasawa. Alam kong afford ko, pero bilang anak, hindi ba ko entitled na makatanggap mula sa mga magulang ko? Ito lang ang pera ng nanay ko na hindi galing sakin. Naisipan nyang i-share sa kapatid at pamangkin ko, pero wala man lang sa akin.

BFF used to lament na hindi sya sinasama sa binibigyan ng regalo twing Christmas Party ng family nya dahil daw "marami syang pera". Ang BS non. Hindi ko gets.

Hindi ko gets kung paano mag-isip ang mga magulang. Or magulang ko lang ba ang ganito? Many times I've thought that maybe I'm not really their child because they've always favored my brother. Mom used to say na mas malakas naman daw kasi ang loob ko at mas kailangan ng kapatid ko ng assistance. I used to believe that. Now, I don't know anymore. Sino kaya ang tunay kong mga magulang?

-----

Kailangan kong asikasuhin yung SSS para may bayad parin yung sangkaterbang leaves ko. Nakakalito yung form. Hindi ko alam kung papasok ang case ko dahil hindi naman ako na confine. Naiirita na ko. Ilang libo ba ang mawawala sakin kung pabayaan ko nalang na wala akong sahod? Alam ko malaki. At totoo, kailangan ko naman talaga ng pera. Ang hassle hassle. Parang gusto ko nalang talagang magka COVID-19.

-----

Have you ever felt like no one got your back? 

Yeah, all these are happening on a February 14.

**** EDIT ****

Matapos ang balde baldeng luha at ilang oras na pag eemote, na realize ko na kailangan naman talaga ng pera ni Mama. Ipapagamot pa kasi ang mata ni Papa kasi isa sa mga mata nya, hindi na nakakakita. Wala naman talagang pera ang kapatid ko. Sira sira na ang sapatos nya at lagi syang nagtitipid dahil manganganak na ang asawa nya at may isa pa syang anak na pinag-aaral.

Totoo namang marami akong pera. Well, wala ngayon dahil narami kaming nagastos pero madali naman akong makakabawi. 

Ni wala ngang binili si Mama para sa sarili nya.

Masyado ring consistent ang mga kwento nila tungkol sa kapanganakan ko para maging ampon ako. Tsaka sakin nya pa pinangalan yung tindahan namin mula nung maliit pa kami.

Pinili rin ni Mama yung gusto kong resto kahit mahal.

...

Hindi siguro tamang naghihimutok ako ng dahil lang sa sapatos.


06:36 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos