Wednesday. Konting tumbling nalang off ko na.
Been feeling generally well. Bumalik na ang pang-amoy ko. Pati timbang ko malapit naring bumalik sa dati. Tokwa.
Papagaling ba ubo ko a few days back, pero nasobrahan ata ako ng cookies, eto't inuubo ulet.
Yung stock ko ng junk food, expired na ata. Pati mga juice sa ref, ang tagal nang naka tengga dun. Nung kumain ako ng chichirya, makunat na. Mga 3 weeks din kaming nagkasakit.
Nakakatamad.
Ang swerte ng mga taong nilu look forward ang bawat araw na papasok sila sa trabaho. Ako kahit sabado at linggo at work kung saan wala naman maysadong ginagawa, tamad na tamad parin akong pumasok.
But I'm thankful for this job. Kailangan ko to e. Pero gusto ko paring maging malaya. Kailangan ko nang yumaman.
Ang weird nang mga panaginip ko few days back. Yung isa love life. Yung isa naman meron daw akong limang anak. Hahaha. Tokwa.
Magandang dream daw ang mga bata. Dadami ba yun pera ko? Lol.
Sweldo na. Mga 1 day lang nakaltas sakin. Thank you, Universe. Pero malaki pa rin ang babayaran sa credit card, so inubos ko ang pera ko sa gsave to pay everything off. Mom said, "okay lang yan, ang mahalaga magaling na tayo." I totally agree.
Makakabawi din ako, at mag iipon muli. I'm still making sure na regular ang pag invest ko sa stock kahit wala na kong kapera pera. This is my hope to achieve yung pangarap ko maging mayaman enough para di na magtrabaho.
For the 2nd time this year, nag increase ulet ang sweldo ko. Really, this company is not bad, you know.
Pero balang araw, matutupad ko rin ang mga pangarap ko. Sana. Bahala na.
04:02 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く