september. ber months na. Christmas songs na ang pinatutugtog sa mall kahapon.
ang bilis bilis ng panahon.. hindi ko na mahabol.
---
sent injan a message yesterday. she once told me they planned to get married by sept kaya naman nangamusta ako.
her reply went into something like, "handa ka na bang maging ninang?". i thought she was referring to being a wedding sponsor. aalma na sana ko dahil sa tingin ko masyado pa akong bata para maging ninang sa kasal. it was until her next message that it dawn on me what she actually meant. "2 months na kong preggy..."
uh, wait.. pregggy.. preggy???!!
so ayun. masaya rin naman ako para kay injan. excited na nga rin ako sa magiging anak nya na sabi ko pa nga, sana babae para tuturuan namin kung pano kumerengkeng. hmmm.. ewan ko. mejo may lungkot factor kasi e. si injan kasi ang madalas na partner in crime ko nuon. magkaibigan na kami mula ng grade 2.. parang hindi ko lang maisip na... lumalaki na nga pala kami.. na lalaki pa pala kami.. feeling ko kasi, yung maturity ko, himinto na sa pag develop after highschool.. yung mga friends ko nag move on na.. pero ako... madalas nakakalimutan ko parin na hindi na ko 15years old.
hindi ba parang ang laking bagay nang pagkakaron ng anak? ng pag-aasawa? hindi ko maisip kung paanong yung kaibigan ko na kasama kong magdevice ng mga crazy schemes, yung kasama ko gumawa ng at magkwentuhan tungkol sa kerengkeng stuff, crushes, yung mga idea namin tungkol sa kahalagahan ng bataan at kung kelan ba yun isusuko among other crazy things.. iiwanan na ang aming mga amazing adventures at magsisimula nang bumuo ng pamilya..
i want to get it straight, hindi ako naiinggit. even if someone will dig deep into my heart right now, mapapatunayan kong totoo yun. hindi talaga. parang nasa-shock siguro. well, alam ko namang magkakaanak at mag-aasawa rin si injan balang araw, pero siguro hindi ko lang talaga yun na-imagine na ganito. akala ko kasi forever na kaming magiging kung ano kami all this time-- yung fun lang, kulitan, harutan, mga kerengkeng stuff, walang responsibility, walang super mabibigat na commitment that adult people have.. kasi ayun nga, eversince hindi ko naman kasi nakita yung sarili namin as adults. lagi ko ngang nakakalimutan na adult na kami..kami, as in ako rin. ganun. ewan.
merong diabetes si injan. sana naman maging ok ang panganganak nya. sabi nya sa nov nalang daw gaganapin yung kasal nila. mejo hindi ako komportable na panay ang postpone ng kasal nila. i just hope that the boyfriend will not turn out to be an asshole. well, pwede rin naman na baka praning lang ako. still, im wishing the best for injan.
---
sa tingin ko, there's a fine line that separates 'giving people a chance' to 'leading them on'. nasan kaya ako ngayon? pero baka hindi ko pa naman siguro dapat problemahin to for now. baka ok pa naman lahat. sana. bahala na.
sabi nila may mga tao daw talaga na better off single kesa in a relationship. somehow im having this growing suspicion that i could be one of them.--
but then again, maybe, im just overthinking.
03:59 PMにcinderellaareus によって書かれました。
2 コメント