gusto kong sumulat ng kagilagilalas na bsp4...
kaso wala akong notebook.
gusto kong gumawa ng lesson for NC Mnl...
kaso naiwan ko yung text book ko.
gusto kong maging produktibong mamamayan ng pilipinas...
kaso tinatamad ako.
bow.
---
lazy weekend passed.
i had my least favorite TM meeting so far last fri. i wasnt feeling well to begin with. then i messed up my speech. alam ko naman ang mga mali sa speech ko tinatamad lang talaga akong mag edit. bat nga ba ko nag toastmasters ulet? ugh. ewan. winning the best speech that night made things even worse. ayoko nang maulit to.. inspirasyon, dapuan mo ko please...
got 3 weeks before my next speech. i actually have a lot of stories and ideas to share. i just dont know how to put them in words. ironic, i've always believed that writing is my core gift. guni guni ko lang ba? baka naman speaking. pero parang hindi din naman. besides, makakapag speak ka ba kung di ka magsusulat muna? pwede naman..pero hindi na ikaw yun di ba? anong point?
ewan. bat nga ko nag toastmasters ulet?
---
i spent half of my saturday cleaning my room and the other half sneezing because of it.
ugh. damn, allergic rhinitis.
sunday, i had a date with my parents. how so not cool. i know. but who cares.
we ate out. then went back home. had some weird convo.. etc, etc.
watched the presidential debate after. bro came just when poe, who gave her closing remarks last, finished.
magulo man at masakit sa ulo ang election, in our household, isa parin itong bonding moment na nakakapagpasaya saken... kahet na nga ba hindi kami pareparehas ng iboboto.
---
3 more days to endure and im gonna wrap up this week then ill have 1 full week of no work! woooohoooo!! it would be fun sana if only my niece will be at home then, but she wont be. pwede naman akong lumabas.. kaso ang init. at tsaka nakakatamad.
---
i started eating fish (yeah, first world issue eto). i hate fish. lasang styro foam. well, di pa naman ako nakakakain ng styro pero feeling ko ganun ang lasa. but to be healthy, sige. fine. push. fish pa. sheeesh.
ang kagandahan pag di mo gusto ang kinakain mo hindi ka gaganahang kumain. mas madali magdiet. sabi ko gagawin ko to for the next two weeks. well, wish me luck.
---
kanina ko lang nalaman na #RORO rin sina sha at gly. nakakatuwa. ive always have high regards for shara's judgment. i dont know... alam kong hindi eto concrete na basis, pero knowing that my friends too are rooting for the same candidate made it feel right-er? hehe.
hindi ko alam. wala namang nakakaalam e. basta ang alam ko lang, buhay ko, responsibilidad ko. hindi ko yun iaasa sa sino mang mamumuno sa gobyerno.
still, ayoko paring magkamali. kasi nga, hindi naman to tungkol saken, di ba?
went to the chap early this morning. i asked the Heavens for wisdom. i often hear bro bo and other people too who said they "heard" God.. or God "spoke" to them. i wonder if literal ba yun. like they heard His voice ganon. i wish God will do just like that. ang labo kasi pag sa paligid ka lang hihingi ng sagot e..
gaya kanina. sa harap ng altar, nadun si Kristo, nakadipa sa crus na ang background e blue... bakit po hindi YELLOW, God?? haha..ewan ko. sabi ni bo sanchez, wag daw humingi ng magical signs... tumingin daw sa scriptures.
you shall not kill..
you shall not steal..
you shall not bear falls witness against your neighbor..
lahat naman ito nasa ibat ibang kandidato. hindi ko matandaan kung meron ba sa scriptures na nagsasabing better ang liar kesa sa killer kaya kung pipili ka from these 2 evils, dun ka sa liar kasi less evil sya. wala namang ganun di ba? or vice versa. basta ang sabi, wag kang manghusga... hindi ka naman judge. haha. ewan ko.
hindi ako bulag sa mga mali. nakikita ko naman. at ayoko rin ipikit ang mata ko sa tama dahil lang sa may mali. lahat naman sila may mga kanya kanyang mali at kanya kanyang tama. ano bang malaking epekto ang magagawa ng iisa kong boto?
....
hindi ko alam.
kahet blue ang nakita ko sa harap ng altar kaninang umaga, alam kong binigyan ako ng Diyos ng kakayahang magpasya..
God, YELLOW parin po ang pinipili ko.. as for the rest, Ikaw na ang bahala.
02:43 PMにcinderellaareus によって書かれました。
1 コメント