back to work. nagbabakasyon parin ang utak ko. i wouldve filed a leave for today too if it wasnt for toastmasters.
sa totoo lang tinatamad akong pumunta. it's gonna be our election night tonight. i was nominated to be the secretary. ayoko naman talaga maging officer, pero sigurado akong malulungkot ako kung hindi nila ako iboboto... ang labo lang no?
our supposed family outing on 8th to some waterfalls in rizal was cancelled. but we will be having another one at a resort somewhere nearer. mom invited some distance relatives. hindi ako excited.
ang daming gagawin. spent the last 1 week working on our NC Mnl. i recorded a few vids only to delete them afterwards kasi ang pangit ng quality. pero hindi naman nasayang ang lahat ng paghihirap kasi at least now im getting the hang of things.. konting pilit pa ng sarili at pasasaan ba at mairaraos rin namin to. yang and i agreed to conduct a free teaser seminar on these. yeah FREE. at least no pressure. in case i mess up, wala silang marereklamo, libre naman e. sa part na to sobrang naeexcite na ko.
i had a wierd dream a few days back. i was at a mall. tas there was some glass stairs na kita yung sahig na ang lakas maka fear of heights. umiilaw pa yung steps ng stairs in a way that makes it looks like its losing some of its steps. ganun. i failed to climb up the stairs. then i was with someone from the past. in the dream, i was resting my head on his shoulders. i thought it was real. it felt real kasi. ang wierd... i didnt know na mamimiss parin pala kita.
M was asking me na punta daw kami sa davao para sa midcon. Lord knows id love to go. siguro kaya ko naman. mahirap lang. lalo na ngayong we're working on some project. i might need to dish out an amount from time to time. pero pramis, pag nag work ang project na to, i will. please pray for me.
election in a few. umaasa parin ako sa milagro. RORO supporters held an interfaith rally yesterday. i was reading OUR page (yeah, i dearly call it OUR because im one of them) and was in tears. nakakainspire kasi silang basahin. when i read na a certain religious group announced their support for a certain candidate i dont like, i felt really really down. malaki kasi ang population ng group na yon at karamihan ng sinusoportahan nila nananalo. pero nung binasa ko yung page namin, lakas makahawa ng fighting spirit nila. parang kahet papano nagkaron ako ulet ng pag-asa. muntik na nga akong sumama sa interfaith rally.. kaso tapos na nung nabasa ko.. haha.
hindi man kami manalo, mamahalin ko tong mga taong to. hindi man kami magkakakilala nainspire parin ako sa kanila. ilang araw pa bago mag may 9. siguro lahat naman tayo naniniwala na yung choice naten ang tama. posibleng mali ako. basta ang alam ko lang, if someone we believe in could bring people together like this, there must be something good about that person, right? naalala ko nung huling tipon tipon ng silent majority.. nakakatuwa, nilinis pa nila ang luneta after. natutuwa ako na naging part ako ng RORO.
sa may 9 matatapos na ang lahat ng to. sabi nila pag nagdasal ka daw para sa welfare ng iba, pakikinggan ka daw ng Diyos. gusto ko lang ng peace para sa lahat. para sa pilipinas. para sa mundo. iniisip ko kung masyado bang malaking pabor yun na hilingin ng isang tulad ko lang. in the end, Ikaw parin po ang magdedecide, God.
kung may genie ngayon na mag ga grant saken nag tatlong wish, ang hihilingin ko lang e,
world peace.
tapos love life.
tapos maraming pera.
....
ayan, hindi ko na nakalimutan ang love life. lol.
03:06 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く