"Ayaw mo ng death penalty? Bakit, kriminal ka ba?"
Hindi ko alam Kung nasan ang utak ng taong nagtanong nito. Kung sakaling gusto Kong ipaglaban ang karapatan ng mga hayop, kailangan ko ba munang maging hayop?
Alam Kong may kanya kanya tayong opinion sa mga bagay at OK nga yung ganun. Sa tingin ko mas mag go grow ka Kung pinakikinggan mo rin ang opinion ng iba.. pero sa panahon ngayon parang ang hirap ng makipag palitan ng opinion sa iba.. nagging trend na ata talaga ang pagiging bastos.
---
A few days ago, nabanggit ni mayor na ang catholic church daw ang pinaka hypocrite na institution. Hindi naman ako nagalit. Sa tingin ko he has all the right to say so. Siguro nga may katotohanan din dun iN a way. The church after all is led by flawed human beings at hindi ng mga saints. Sang ayon din ako na kung meron man sa church ang napatunayang may sala, dapat Lang na Hindi sya exempted sa parusa. nagulat Lang ako sa reaction ng mga Tao. Kanina, sa isang hepatitis joint, narinig ko ang isang mama na nakikipag kwentuhan. Ang una nyang sinabi e, "tama si dute*te." Sabay banat ng panlalait sa simbahan. nung narinig ko ang statement ni mayor, it was clear that he was stating an opinion. pero mukhng nilunok yon ng mga Tao na parang fact. Nakakalungkot na ganun lang nila kadaling kinalimutan ang kabanalan ng simbahan at ginawa itong katatawanan.
Totoong Hindi perpektong institusyon ang Catholic church. Pero sa kabila nito May mga Tao at grupo na inaalay ang oras, pera at emosyon nila to build a better church. Marami ding mga Tao sa ilalim ng simbahan ay nag aalaga sa mahihirap, nagpapakain sa mga gutom, tumululong sa poorest of the poor all because yon ang mga turo samin ng aming simbahan. Hindi nga perpekto ang simbahan pero Hindi naman siguro tamang gawin itong katatawanan.
Naging trend na ang pagiging bastos. Siguro nga hindi naman to entirely kasalanan ni mayor. He merely led the way. Binigyan nia Lang ng lakas ng loob ang mga bastos na maging bastos.
Nakakalungkot. Wala na tayong kinikilala. Wala na tayong sinasanto. Feeling Ko ang pilipinas ay Naging nation na ng mga panatiko. Ang tagal ng tapos ang eleksyon pero suot nio parin ang baller nio.
sabi ng iba nakakatakot daw si mayor. Sa tingin ko, mas nakakatakot ang nangyayari sa taong bayan.
10:10 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く