monday. kababalik ko lang sa trabaho.
eto ang mga bagay na nagawa ko na so far:
1. dalawang emails.
2. dalawang calls.
3. isang movie (how to train your dragon).
4. isang clip (Bo Sanchez for TRC).
5. testimonial for Bo's birthday (Yang asked. what you get for having a friend who "really" writes).
6. about 5 articles on how to write a book.
7. about 10 articles on how to publish a book.
--
still writing the book. im feeling giddy at the thought of being published pero kulang naman ako sa sipag sa pagsusulat. was reading mina esguerra's old blog.. naiinspire ako sa kanya.. sana pwedeng matutulog lang ako tas pag gising ko ginagawa ko na pala yung ginagawa ni mina. kaso ayokong mag chic lit.. gusto ko yung pwede kong gawan ng seminar at subscription site.. but wait, mina does that (minus the subscriptions site), right? still, ayoko parin mag chic lit.. parang hindi credible.. ni wala nga akong love life, magsusulat pa ko tungkol dun..
--
been feeling down for days. my depressing effect kaya ang mga gamot ko or ako lang ba talaga to? hindi rin masyado maganda ang timpla ko lately. sabi ng doctor, maglista daw ako ng mga bagay na naiisip ko about 1 hour bago ko matulog. tas ireview yung list pag tapos na, hanapin dun yung legit na problema talaga tas hanapan ng solution. for some reason, i was fascinated by the idea.. kaya lang, that same doc raised the dosage of the sleep hormone i usually take which makes me too sleepy to write most of the time.. well, ang point naman ng paglilistang yun e para makatulog ako, so mejo hindi reasonable kung pipigilan ko ang antok ko para maglista ng thoughts ko di ba?
--
8 years since starting this particular blog. 12 years in total since i started tabulas... ano na bang nagbago saken...
marami rin naman.. pero nababagalan talaga ko sa pag-usad ko...
ano nga bang gusto kong mangyari?
02:08 PMにcinderellaareus によって書かれました。
2 コメント