Labing dalawa.
Labing dalawang oras n road trip ngayong araw. Sakay ng pulang innova, apat n oras kaming nag byahe mula sjdm hanggang makati. Daig p namin ang nag Singapore. Hindi masaya.
Labing dalawa.
Ika labing dalawang araw ng ika labing dalawang buwan ng taon ka ipinanganak. Nasabi ko bang namimiss na kita?
Nalaman ko sa Facebook na nasa makati Karin pala. Maliit lang ang posibilidad n magkasalubong tayo sa daan pero kinabahan parin ako.
Nung pauwi napadaan kami sa espana. Lugar na posibleng nandun ka. Napadaan din kami sa lugar kung san tayo nagkakilala at kahit na gusto kitang makita, umasa akong wala ka dun. Delikado kasi dun pag gabi na.
Naalala ko tuloy yung linya sa isang kanta: It's just the things that happen to me when I'm reminded of you like when I hear your name, or see a place that you've been or see a picture of your grin, or pass a house that you've been in at one time or another...
Nasabi ko bang namimiss na kita?
Sa tingin ko, ang katapatan (honesty) ay pagkilos at pagsasalita nang naaayon sa tunay mong nararamdaman. Katapangan (courage) naman ang tawag sa pagsasabuhay nito.
Isang araw, siguro, magiging matapat at matapang din ako.
01:11 AMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く