im hungry
木曜日: February 23, 2017



isang oras nalang at 4 down na. one more day and yebah!! weekend na!!!

masayang masaya ko dahil merong nagtext asking about my product. lagi talagang nakakatuwa pag merong aaktong bibili sayo kahit di pa naman sila bibili. this time hopeful ako. sana wala ng backoutan to.

isa pang nakakatuwa e yung mga kagagahang ginawa ko today. syempre hindi ko sasabihin kung ano. haha!

---

ang dami nang nangyari. ang dami ng nagbago. sigurado ako na minsan sa buhay ko may pinag alayan din ako ng pagsintang tanga levels na pero chebers parin... pero hindi ko talaga sya matandaan. meron nga ba? o wala ba?

isa lang kasi ang taong naaalala ko kung history lang ang pag-uusapan. pero sa ngayon, sa tingin ko okay na.

masaya ako today at puno ng pag-asa na magiging maganda ang bukas.

---

pero seryosong gutom talaga ko. 150 pesos pa ang pera ko kanina kaso may mamang nalaglagan daw ng pera. posibleng modus operandi lang yun pero kasi namumutla sya so baka totoo. sabi nya kailangan nya daw ng 37 pesos para makauwi. binigyan ko sya ng 50. hindi naman talaga ako maawaing tao at ayoko sa mga nagpapaawa dahil naiirita ako..pero lately kasi lagi kong naiisip si papa. he's getting old. what if he gets lost one day without any money to get back home? will someone help him? siguro umaasa ako na kung tutulong ako sa iba e may tutulong din sa tatay ko sakali mang mangyari yon. pero alam ko namang hindi nag-ooperate ng ganun ang mundo. ewan ko kung ano bang virus ang dumadapo saken lately. siguro natatakot lang ako... mapipigilan ko bang mangyari ang mga bagay na ayokong mangyari? hindi na ba yun mangyayari kung gagawa ako ng mabubuting bagay? alam kong parehong hindi ang sagot pero minsan di ba, ugali ata talaga ng tao ang umasa.

ang opposite daw ng love ay fear. hindi parin ata ako marunong magmahal.



* * * * * * * * *



Written by cinderellaareus at 03:34 PM.

コメントを書く



Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

C I N D E R E L L A A R E U S
"A dream is a wish your heart makes when you're fast asleep"

about me

私の名前はZです。

navigate

Home
Archive
Profile
Gallery
Friends
Friendsof
Favorites


credits

template|| Up4Grabs
image 1 ||www.neatorama.com
image 2 || deviantart
KuroKen || Tenor
blog host|| Tabulas
content || cinderellaareus


layout design : izaia_zah






reliable Counter
Web Hits Stat

Real Time Analytics