"fortune favors the bold" daw.
kaya, oh sya, sige. push.
i set it to be posted tomorrow. yung ad para sa seminar ko na hindi ko pa napa-plano ang content. i will then buy fb ads to market it and then hopefully, 50 pax will sign up. from there, iiyak nalang ako kung anong gagawin ko pag katapos.
"fortune favors the bold."
----
will be meeting up a client tomorrow for my other biz. mejo haggard kasi parang wapakels sya sa pera. iinform ko sana sya sa prize pero parang ni hindi nia sinilip. basta daw dalhin ko yung product bukas then go. sana naman hindi ako pumalpak pa dito.
"fortune favors the bold."
----
mejo haggard din ang weekend.
after fixing a few things at home i decided to catch that outreach thingy that ivan invited me into last sat.
it was an outreach for the erderly people. naalala ko tuloy nung leader leaderan pa si lola ng senior citizen. we use to bring food at their meeting and i found some of the lolo's and lola's adorable. i prefer them over children.
when the outreach program was over, i approached a few of the elderly to give them a hug. i love how lolo's and lola's are so soft. there was this one lola who went up to me and said "ang bait bait mong bata." i just smiled to her and gave her a hug, deep inside saying, "hindi ka po sure dian, lola..." lol. kung tutuusin wala naman akong ni ambag sa outreach na yun kundi presence lang. feeling ko tuloy hindi ko deserve yung thank you ni lola. nagpahabol pa nga sya ng wishes of blessings.
feeling ko yung mga matatanda, or yung mga batang super baby pa e yung mga favorite ni God. tipong pag nag pray sila, hindi hihindi ang langit. na-touch tuloy ako na ni bless ako ni lola. hindi man ako siguro ako ganun ka-favorite ni God, pero sana sya rin, pagpalain.
after nun, yung outreach namin nauwi sa field trip. from sjdm, we drove to marilao to eat, tas nag valenzuela kami to go to tita remy's house, sabay sa house ng sister ni gabby and her super cute son na si xander. then back to fairview at ivan's place. im glad i was able to spend time with these people.
----
"please, 5 minutes pa." said my inner carson.
5 minutes.
ikaw, kelan ka ga-graduate sa ganyan, z?
03:55 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く