Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Dahil hindi naman ako multitasker, naguguluhan ako.
Una, masaya ko kasi Thursday ngayon at TM meeting bukas. Makikita at makakasama ko na ang taong gusto kong kasama.
Tapos, masaya din kasi a few days back, I met up with a customer who ordered 1 full set of my products and paid me in cash.
And then, malungkot kasi the next day, I found that the ad I put up generated ZERO result.
Malungkot din kasi ung crush ko di ko ma-reach (lol).
Tapos malungkot rin kasi parang marami ata sa member namin ang hindi magre renew at ilan sa kanila kaclose ko.
Tapos kinakabahan at nag aalala. I paid an fb ad for an event I'm gonna put up around May. Pag di magclick, bukod sa I'm going to lose some amount of money e mag ba back to zero na naman ako sa mga Plano ko sa buhay. Pag nag click naman, magkakaron ako ng malaking problema kasi this is a one-man team at hindi ako ganun ka confident na kaya ko lahat to ng mag-isa.
Tapos nag aalala rin at naguguluhan kasi someone is confusing me. I told neri about it and she said, "wag na yun, iba nalang, malala pa sa friendzone yan," and I can see her point clearly. Ang lakas lang kasing maka eng eng ng ganitong feeling. Ewan. Nag-aalala pa ko na this is not the first case. Same cases like this happened in the past. May problema ba ko? But thinking so will make it seem like, may problema sa kanya. Hindi ako uma agree sa society na nag-iisip ng ganun.
Tapos, may nag email pa saken earlier. Galing sa isang popular na cage na ornamented with golds and linens. They want me there. Heavens know I'd love to leave the cage I'm in, but will a fancier cage be the answer?
I'm not getting any younger. Offers like this may soon stop coming. Kaya ko ba talagang gawin tong cage kong to na last cage ko na?
Feeling ko, etong year na to ako pinaka maraming nagawa para mabago ang mga ayaw ko sa buhay ko. Hindi marami enough to get me out of here, pero at least, better parin to kesa sa nung mga nakaraang taon.
Nababasa ko ang mga status ni sha sa fb at amaze na amaze ako sa progress nia. Iniisip ko kung nung nagsisimula palang sya, ganito rin ba yung naramdaman nia?
Pero minsan na eexcite din ako sa buhay. Naalala ko kasi na lahat ng bagay na ginawa ko kahit na takot na takot ako e nagbunga ng maganda. Walang nakakaalam sa bukas, pero sana, ganun ulet. Sana magbunga ulet ng maganda.
Ang daming feelings. Ang hirap iprocess ng sabay sabay. One moment masaya, the next malungkot. Tas bigla bigla nalang mag aalala at naguguluhan. Mejo nakakalito.
Pero overall, masaya narin. Siguro kasi pag di ka nakakaramdam ng pagyanig ng buhay e malamang, dahil yun sa di ka gumagalaw. Ayoko ng ganun.
Sa ano't ano man, nagpapasalamat na rin ako.
All smiles! : )
And Friday na bukas. Thank You, Lord. : )
06:46 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く