火曜日. April 25, 2017

I is for insomnia, I is for ipis

It's 12:04am. I'm supposed to wake up 3:15am but I'm still awake. Did bee breathing technique to silence my head. It usually help me sleep, but this time it failed to do the trick. 

A lot of things I'm worried about. I know worrying is not going to make things different pero siguro hindi talaga kumikilala ng logic ang pag-aalala. 

-------

Gusto kong makakita ng dagat. Yung hindi highly commercialized na dagat. Gusto ko yung gaya ng dagat na madalas namin puntahan ng bike kong si Mandy noon sa Osaka sa may pier. 

Osaka Bay-just a Mandy-ride away from the apartment

That's my Mandy <3

Namimiss ko na magbike. Siguro panahon na para ipaayos si Mandy nang malibot naman namin ang streets ng pilipinas. Mejo nakakatakot lang kasi samen mag bike dahil steep ang daan, maraming bangin at marami ring tricycle. Kung sa Japan nga kung saan maayos at maluwag ang kalsada, ilang beses pa akong na disgrasya (at nasita ng pulis for riding in tandem). 

Golden week sa Japan ng May 3,4 at 5. Meaning, wala akong pasok. Next week na pala yun. Ipapaayos ko si Mandy at susubukan ko ulet mag bike. 

--------

I'm just a simple soul. It doesn't really require much to make me happy. Nakakapagtaka tuloy kung bakit minsan, ang hirap parin maging masaya. 

--------

Takot ako sa ipis noon. Halos lahat naman yata ng tao takot sa ipis. Naalala ko nga nung sinabi ni heneral na lahat daw ng buhay mahalaga except sa ipis. I usually agree with heneral's views, except siguro dito. 

Kahit nung mga panahong takot pa ko sa ipis, ayoko parin pumatay ng ipis. Sa twing nakakaapak ako ng ipis ng di ko sinasadya, sumasama yung loob ko. Twing iniisprayan sila ng baygon sa bahay at wala akong magawa, mejo nalulungkot ako. Hindi naman nila pinili maging ipis di ba? 

Siguro minsan, yung awa nag eevolve sa pagmamahal. Kasi bigla dumating yung araw na hindi na ako takot sa ipis. Feeling ko nga, may angle kung saan cute sila. Weird no? 

Nung isang araw, may ipis na gumapang sa harap ko sa may mesa papalapit sa plato na pinagkainan ko. Yung old self ko na takot sa ipis ay siguradong titili at tatakbo. Pero dahil hindi na ko takot, sinita ko nalang yung ipis at pinagsabihan syang wag lumapit sa plato. At bumack out si ipis, teh. Umatras sya papalayo sa plato at nakinig sakin. Nakakarinig pala ang ipis no? Dahil na touch ako na nakinig sya saken, binigyan ko sya ng pagkain. At kinain nya, teh. Kumakain pala ang ipis. I lovingly watched the ipis as it eats ignoring how weird the whole setting is. Would u believe that? I fed an ipis. Lol. 

Naniniwala ako na hindi dapat pinapangunahan ang bukas. Maaring ngayon ayaw mo pero bukas mahal mo na. Plus, we can't underestimate the effects of having a closer look. May mga bagay or Tao kasi na malalaman mo lang ang ganda.. Or halaga, pag nakita mo na close enough. 

Matalino talaga ang Diyos no? Hindi Nya man tayo ginawang pantay pantay, pero lahat tayo binigyan Nya ng chance. 

And yes, kasama dun yung ipis. 


12:46 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos