月曜日. August 28, 2017

Silence and Home

Was trying to do meditation. Hindi naman talaga ako marunong. What i did was turn off the light, set the alarm to 30 mins and try not to think of anything. Mahirap palang hindi mag-isip pero kahit pano, at least for 30 minutes, nag slow down ang pag iisip ko.

Habang patay ang ilaw at dama ko ang hangin galing sa electric fan, naalala ko yung time na nasa manila bay (baywalk?) Kami ni jenna.

Tama ba? Baywalk nga ba ung malapit sa luneta? Tinatamad ako mag google.

Anyway, kunyari baywalk nalang sya. So, college ako non. Strict parents ko eversince. Tipong dapat, right after ng klase, uwi kagad. Pero that day, tumakas ako. Nagyaya kasi si jenna na abangan namin ang sunset sa baywalk kaya kinalimutan ko ang galit ng nanay ko at sumama ako sa mga kaklase ko.

Sulet. Ang ganda talaga ng dagat. Paborito kong klase ng dagat o ano mang katawang tubig e ung HINDI perpekto. Hindi parang beach sa boracay or el nido. Gusto ko ung ganda na may halong gulo. Gaya nung sa manila bay. Or yung port na daungan ng barko. Parang ung osaka bay na lagi naming pinupuntahan ng bisikleta kong si Mandy.

Nung araw na un, inabangan talaga namin na tuluyang bumaba ung araw hanggang matabunan na sya ng dagat. Yun yung goal. Kaso nung sobrang konti nalang ang natitira sa araw, biglang may dumaan na barko. Humarang sya mismo dun sa harap ng araw. Mega hintay kami pero OA sa bagal ung barko. Parang pusang buntis na may habit na tumawid kung kelan may sasakyang dumadaan. Tas pag alis nung barko, wala na, hindi na namin na witness ang tuluyang pagbaba ng araw.

Pero ok lang. Hindi parin ako nagsisi. Sulit ang galit ng nanay ko sakin kasi ang ganda ng dagat. Ang ganda ng araw. Ang sarap ng hangin na humampas sa mukha ko at kahit ung mga parang ipis na gumagapang sa batuhan malapit sa dagat, na appreciate ko.

Yun yung naalala ko kanina habang sinusubukan kong mag meditate at ramdam ko ang hangin sa mukha ko galing sa electric fan. Bukod sa pagmamahal ko sa dagat at hangin, narealize ko na mahal ko rin ang katahimikan.

Naisip ko rin...

Gusto ko makasama sa baywalk ung taong magiging importante saken. Gusto kong abangan namin ang sunset at sabay na ma upset pag biglang may dumaang barko. Mag kwe-kwentuhan, mag-iinisan, at pag naubusan na kami ng mapag kwekwentuhan, tatahimik. Gusto kong ma spend ang silence na gaya nito kasama ang taong mahalaga sa akin. Silence kasama ng taong tinuturing kong... Home.

Know what, self-sufficient akong tao. Sakali mang hindi ako makahanap ng mapapang asawa, sigurado ako magiging ok parin ako. Pero siguro.... Siguro lang ha... Kung matatagpuan ko yung taong gugustuhin kong makasamang damhin ang katahimikan sa baywalk....

Sa tingin ko.... Talagang aalagaan ko.


10:06 PMにcinderellaareus によって書かれました。

3 コメント


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on August 30th, 2017 at 10:43 AM
yiii.. check ko yan. salamat, guys! :)
Comment posted on August 30th, 2017 at 03:37 AM
You can start with 10mins. No pressure. Just focus on your breathing. I heard good things about the headspace app as well just like chronic, maybe you can try that. It gets easier and easier if you do it everyday. :)
Comment posted on August 29th, 2017 at 01:09 PM
Try mo yung Headspace app for meditation! Effective siya to calm me down. May instructions kasi na binibigay instead of leaving you all to your thoughts hehe

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos