土曜日. September 30, 2017

Thoughts from a bad day

1:11am. Make a wish.

I just got home. Today was not particularly good. It was bad. At karamihan ng hindi magandang nangyari, kasalanan ko.

I was watching a movie with a super long title. I forgot. Basta dun sa movie, nagpa delete yung babae ng memory nya dun sa lalaki. Nung nalaman ng lalaki, pinadelete nya rin memory nya sa babae. Kaso halfway nung procedure, na realize nya na mahal nya pa yung babae at ayaw nya nang ipabura ung mga memories nila, kaso too late na. Teka...enough ayoko maging spoiler.

Pero basta ganun. After erasing their memory nagkakilala parin sila e. Basta may recorded tape ng messages nila before sila magpadelete ng memory. Tas narinig nila ung recorded tape ng isat isa. Science fiction lang naman na pwede mo ipa delete ang memory mo pero pakiramdam ko, isa ito sa mga panaka painfully realistic na movies na napanood ko.

Magmamahal ka. Masasanay ka sa presensya nya.

Tas bigla mawawala yung magical feeling, bigla kang  ma bo-bored at darating sa point na aayaw ka na.

Hindi lang naman sa romantic love to totoo. Kahit sa friendship.. Kahit sa family. Siguro nga totoong Love is a decision. Maybe love is deciding to stay even if you don't feel like it anymore.

May mga ugali akong hindi kagandahan. Yung super konting tao na piniling mag-stay even after makita yung side na yun, sobrang pinagpapasalamat ko. Pero sa kung hanggang kailan sila mag iistay, hindi ko alam. Sinabi ko noon na the Universe bends in our expectations. Truth is, i dont expect people to stay. People rarely do. That's why i learned to be detached. To not have both feet in. I always left one out, ready to flight.

Safe? Or duwag? I dont know.

Siguro magiging madali ang maraming bagay sa buhay, or maybe yung buhay itself, kung walang taong involved.

Love is for the brave. Iniisip ko kung ano bang chance ng mga taong chicken na katulad ko.

----------

Ang dami daming hindi magandang bagay na nangyayari. Minsan ang sarap mamundok. Ang sarap pumunta ng outerspace.

A week from now, 32 na ko. Sa 32 years ko sa mundo, natutunan ko na pag nagsisimula ka ng mainis, nagsisimula ka nang mangialam. At pag nagsimula ka nang mangialam, nagsisimula ka ng magmahal.

Maliit palang ako, gusto ko na ng peace. But it's not like, I LIKE peace. It's more like, i NEED peace. Kaya ayoko ng confrontations, ayoko ng gulo. At sobrang maliit ang tolerance ko sa mga tao who make me feel bad about myself, or them, or anything. Yung mga gumugulo lang sa utak ko.

Pero kasi, kung saan may tao, nandun ang conflict, nandun ang gulo. At ang only way lang yata para makamit mo ang peace ay ang lumayo ka sa tao. Bakit ba ang complex magmahal? Bakit ba ang complex magpahalaga? 

Sa ending nung movie, sabi nung lalaki, "wait". Sabi nung babae, bakit daw. Para saan. Isa lang daw syang messed up na babae na naghahanap ng sarili nyang peace of mind something. Na darating daw ung panahon mabo bore lang rin sya ulet dun sa lalaki kasi ganun lang daw talaga sya.

Then the man replied, 'okay'. Gusto ko rin makahanap ng sasagot ng 'okay'.

Siguro ang success ng relationship ay hindi nakasalalay sa kung gaano katindi ang pagmamahal nyo sa isat isa kundi sa tibay ng resolve nyo na magpatuloy kahit na feeling nyo e ayaw nyo na.

Sana makahanap ako ng taong kayang magpatuloy kahit feeling nya ayaw nya na. At sana pag nakita ko sya, ako rin, kaya nang magpatuloy kahit feeling ko, ayoko na.

---------

TM meeting earlier. The only pangtanggal badtrip of the day. Nothing remarkable, but at least I was able to spend time with people i care about. For me, that's more than enough. Also, one of our newest members approached me to ask me to be her mentor. There goes my 3rd mentee. I wonder how people choose their mentors. Still, nakakakilig parin talaga pag ikaw ang napili. Pero at the same time, nakakakaba. I was blessed with a wonderful mentor. Hindi ko maisip kung pano ko mabi-build yung relationship ko sa mentees ko gaya ng relationship na meron kami ng mentor ko. Lalo na nga na mejo takot parin talaga ko sa tao. Still, gagawin ko parin yung best ko. 

Won't be attending our meeting on 6th. Following meetings after that, busy na sila Gabby. Mukhang matagal tagal kaming hindi magkikita. Nakakalungkot din.

Laugh trip kanina, i accidentally sent my message for Mom to J. He sent the screenshot to our Officers group chat. I rarely explain myself because explaining makes me feel as if I'm lying even when I'm not. But because it's super funny, nag mega explain na ko. May point kasi e. Ang layo nga naman ng Mama sa J so pano ko ma eexplain na nawrong send ako. Haha. Pero promise, wrong sent lang talaga, walang halong malisya.

Tanda ko ganito rin kami nagsimula ni R. Feeling ko, dapat mag-ingat na saken si J.

Charot.


01:47 AMにcinderellaareus によって書かれました。

2 コメント


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on October 4th, 2017 at 03:26 AM
"Eternal Sunshine of the Spotless Mind" ?
Comment posted on October 4th, 2017 at 01:16 PM
yes! :)

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos