Araw araw ko syang nakikita sa simbahan.
Naririnig ko kasi yung kaluskos pag lumuluhod sya sa pew sa likuran ko.
Bukod sa fact na mejo gwapo sya at matangkad, napansin ko sya kasi paulit ulit ang ritwal na ginagawa nya araw araw.
Pagpasok nya, luluhod sya sa parehas na pwesto araw araw. Yung pangalawang pew mula sa harap. Magdadasal ng ilang minuto, tapos tatayo palabas. Hihinto sya saglit sa may labasan para magsindi ng kandila. Apat na kandila na pinagdidikitdikit nya sa iisang tirikan. Tapos magdadasal ulet. Ginagawa nya to approximately same time araw araw. Iniisip ko tuloy kung dito rin sya banda nagtatrabaho.
Ano kayang pinagdadaanan ni kuya at bakit sya araw araw nagsisimba? Para mag effort syang pumunta don araw araw, siguro may mabigat syang dinadala. Kung ano man ang pinagdarasalal nya, siguradong importante yun sa kanya. Naku-curious ako kung ano-ano bang mga bagay ang pinagdarasal ng isang lalaki sa Diyos. Finances kaya? Work? Business?
Gwapo si kuya, so hindi naman siguro love life...
Kaninang umaga, mejo nalate ako ng punta sa simbahan. Pagdating ko, nakapagtirik na ng kandila si kuya at nagdadasal na ulet. Pumasok ako at umupo sa parehas na pwestong inuupuan ko araw araw. Yung pinakaunang pew mula sa harap. Nagdasal ng ilang minuto, tapos tumayo palabas. Huminto ako saglit sa may labasan para magsindi ng kandila. Apat na kandilang pinagdikitdikit ko sa iisang tirikan. Narealized ko na parehas na parehas pala kami ng ginagawa ni kuya. Parehas kaya kami ng ipinagdarasal?
Pagdaan ko sa tirikan ng kandila kanina, sinindihan ko yung apat na kandilang naiwan ni kuya na wala nang sindi. Sinindihan ko na rin pati yung mga kandilang nasa tabi nito. Kung ano man ang pinagdadaanan ni kuya, kung ano man ang ipinagdarasal nya... Kung mabuti yun para sa kanya at sa mga taong nasa paligid nya... Sana makuha nya.
09:50 PMにcinderellaareus によって書かれました。
2 コメント