Thursday, April 26, 2018

take it slow, take it slow

umuulan ulit kahapon.

sabi nila, pag nag-alay ka daw ng mga hurt mo sa langit, makakapagligtas ka daw ng mga kaluluwa sa purgatoryo.

sa dami ng hurt na inalay ko, iniisip ko kung may natitira pa bang kaluluwa sa purgatoryo. lol/

..

naniniwala talaga ko na pag masakit, ibig sabihin may mali.

siguro if lagi kang nasasaktan dahil sa isang tao, then maybe dahil yun sa hindi sya yung tamang tao?

well, hindi ko rin naman talaga alam.

pero mejo ok na ko today.

last night, i was rummaging with my stuff. i took all the cans where i place my money intended for different things. i need to pay gabby 4500 for the discounted discon2019 tickets. i emptied all 3 cans and counted. i was still 1000 pesos short.

for some reason, it made me smile. kasi it felt like rock bottom na and i remember how the Universe hates vacuum. i think, it finally noticed me.

something tells me that this is going to be the last time that ill ever have problems with money.

------

1 year to go and mukhang pupunta nga ko sa Cebu with the people from the club. after knowing na andaming pupunta, hindi na ko excited. antisocial as ever. bukod don, pinoproblema ko rin yung kung ano anong kinakain nila. sana hindi sila masyadong ma hassle sa kaartehan ko T_T.

------

started a keto-ish diet since monday. i think ive lost about 2 kilos in 4days. that's slow considering that i can lose about a kilo per day with atkins back in the day. but im liking keto better kasi hindi umaatake ang GERD ko and day 2 palang, i think i totally lost my appetite na. ewan ko lang kung sa keto ba to or dahil sa heartbreak. lol.

4 na pirasong meatballs lang ang baon ko for lunch. yung 2 pcs, isang oras kong pilit kinain. yung other 2, mukhang makakauwi pa sa bahay namin.

tsaka parang nakakaganda ng skin... or guni guni ko lang ba?

------

a happy turn of event. a customer sent me a message and ordered 3k+ worth of products that im going to deliver tonight. yehey! may pamasahe na ko!!! Thank you, Lord! T_T

------

ang aga ni kuya sa simbahan kanina. kahit maaga akong pumunta, paalis na sya. and he was looking at me!!! hahaha. well, mahirap nga namang hindi magkatinginan kung laging kayo lang dalawa ang ang pumupunta sa simbahan. lol.

maybe it wouldn't hurt if i give away a shy smile or something. lel.

...

pero ang ibon daw, madaling hulihin pag nakatali pero mas madaling hulihin pag may sugat... kaya siguro, hinay hinay muna sa landi. hehe.

------

will do some food tasting tomorrow para sa 7th anniv ng club on May. the sight of food makes me want to puke. hindi rin pala masaya pag wala kang appetite.

shucks, wish me luck.

------

2 more months. 3 more regular meetings and i will be a normal human being. i mean, i normal member. im checking meetup.com to see some group would interest me to fill up my time. gusto ko matutung umarte para sa speech ko. wala naman palang ganun sa meetup. im thinking of joining peta or other acting workshop...

okay, daydream lang:

pag nanalo akong district champion sa inspirational speech contest, i will walk up to dananjaya and tell him, "remember my name because im going to be the next world champion."

eeeeeeeeeeee!!!

putek, ang sarap mangarap. Lord, penging pambayad ng workshop!

------

pero wait lang...

bago ang lahat ng to... sana magawa ko na yung target ko by August. araw araw kong kinukulit at araw araw ko pang kukulitin ang langit para dito.


Written by cinderellaareus at 03:54 PM.

write a comment


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.


About Me


my name is z


Message Board

your name:

url:

your message:


credits

layout || zaia

design inspiration || blogaholicdesigns
image || ruffled
blog host|| Tabulas
content || cinderellaareus


***



reliable Counter
Web Hits Stat

Real Time Analytics