Monday. Was on leave. I intended to stay at home and fix my speech. Pero kasi mejo poor talaga ko ngayon kaya ang hirap tumanggi sa libreng sine, so I went out.
Ang babaeng allergic sa wifi. Ang dami kong naaalalang tao. Putek. Dapat siguro, hindi muna ako nanonood ng love story. Nakaka-emo, Bes.
Parang ang daming promising na tagalog films lately. Excited na kong magkapera. Sana may maabutan pa ko next payday.
Hindi naman ako magastos. If it wasn't for this bogus buyer who ordered so many tas di naman kukunin, may pera sana ko ngayon. Grrr. Pero ok lang. Mabebenta ko pa naman to. Tiwala lang.
------
I just learned that Joan's wedding is in 25th din pala. Same date ng contest. Heck, it's too late to back out. Pero ok lang din. The venue's far and wala rin naman akong outfit.
------
Ang bilis mag shift ng moods ko lately. Parang gusto kong pumunta sa lugar na dead ang signal gaya dun sa 'Ang babaeng allergic sa WIFI" movie. Wala lang. Para wala ako makitang post na di kaayaaya. Madali lang naman mang unfollow ng tao. Ayoko lang.
I'm pretty sure I'm not hurting. Heck, I don't even feel jealous. Puno lang siguro ng what-could-have-been's and stuff. I just miss the connection. It makes me a little sad. Hindi naman kasi madaling humanap ng ganun. Or baka sa mga maling lugar lang ako naghahanap.
Pero despite the sadness, I've been feeling more at peace lately. Maybe I'm already learning to gracefully let go.
Sana next time na magmahal ako, dun na sa tamang tao. Sana by then, 'tamang tao' narin ako for that person.
10:41 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く