Doyou
土曜日: May 18, 2019



3:22AM. It's now a Saturday and I just got home.

We had a good 6 hrs at the spa. Loved the full-body massage, feeling ko handa na akong kalimutan lahat ng non-negatiables ko sa lalaki, basta marunong syang magmasahe. Char.

-------

"Wala akong pakialam kay, &@$£&÷". He said this himself. Pero bakit parang iba sya when she's around? Fun, free, spontaneous. With me, he's usually rigid. Well, not that I care, okay. Naisip ko lang naman.

He still reminds me of R. Siguro parang multo talaga ang perslab. Bigla bigla nalang susulpot yung mga alaala nila sa mga taong nakikilala mo. I'm pretty sure it wasn't love. Hindi ko maintindihan kung bakit ba naaalala ko parin tong taong to.

Sa tingin ko may tanong lang ako na gusto kong masagot...

She's so much like me, isn't she?

Then why didn't you just pick me?

-------

Kung kailangang magbabayad ng piso kada banggit sa pangalan mo,  nakaipon na siguro ako ng lagpas isang libo. Nabilaukan ka ba or nasamid kanina? Ikaw kasi ang aming pinag-uusapan.

There are people who truly care about you. Matalino ka, alam kong alam mo. Pero hindi ko maintindihan kung bakit sinasadya mo silang pawalan ng halaga. Nanghihinayang ako for you. Feeling ko, nabigyan ka ng diamond, tas gamit ang glue gun, dinikit ko lang sa pader. Nadaanan ng mga bata, nahulog at natapaktapakan. Alam mo ang halaga ng diamond, pero hindi mo parin iningatan.

Kilala kasi kita. Alam kong hindi ka nakikinig sa katwiran. Iniisip ko kung ano bang pwede kong gawin sayo?

---------

So I'm back to the senate. Char. No, I'm back to being a club officer. One of the nominees tied with me, pero nanalo kasi sya as Presi so he's getting the higher position. Nalulungkot ako na hindi nanalo si Jay, pero hindi rin ako thrilled na officer na ko ulet. 

Pero sa ngayon, ang mga problema ko bukas e bukas ko nalang din pro problemahin.



* * * * * * * * *



Written by cinderellaareus at 04:02 AM.

コメントを書く



Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

C I N D E R E L L A A R E U S
"A dream is a wish your heart makes when you're fast asleep"

about me

私の名前はZです。

navigate

Home
Archive
Profile
Gallery
Friends
Friendsof
Favorites


credits

template|| Up4Grabs
image 1 ||www.neatorama.com
image 2 || deviantart
blog host|| Tabulas
content || cinderellaareus


layout design : izaia_zah






reliable Counter
Web Hits Stat

Real Time Analytics