水曜日. May 29, 2019

I eat rejection for breakfast

Alam kong powerful ang words and I don't want to use this power against me, so I'm really trying to be careful here.

Jeez, ano ba ang pumasok sa isip ko at bakit ko naisipang pasukin ang pagiging financial advisor? Una sa lahat, hindi ko forte ang pakikisalamuha sa tao. Lagi akong kinakabahan at parang lagi akong constipated these days dahil dito.

But efforts have been made. Gumastos na rin ako and all. I really want to succeed on this at may part din sakin na nag wa wonder how far I can go if only I can conquer my fears. Hayst, ang sakit ng tiyan ko.

I made my first attempt na mang sales talk kanina. Sabi nila, "dream big, start small." So nag start ako dun sa potential client na nag display na ng interest sa product beforehand. Ayon, parang magbabago pa yata yung isip. Lol.

Ang suggestion dun sa manual, find 15 prospects, make 5 appointments, do 3 sales interview, in order to arrive in 1 sale. Per week ito ha.

Naglista na ako ng prospects. Binilugan ko yung 15 na uunahin ko. Iniisip ko palang na kakausapin ko sila isa isa, nag aaway away na yung internal organs ko. Huhu. Kaya ko to.

Nung highschool ako, inis na inis ako na ang PE namin e volleyball. Takot kasi ako sa bola. Nagkakaron ng sariling pag-iisip yung paa ko pag naglalaro. Utusan ko man syang pumirmi sa kinatatayuan ko, pilit syang tumatakbo twing papalapit na yung bola.

Ilang beses na rin akong tinamaan ng bola. Hindi naman ganun kasakit. Tipong kahit paulit ulit pa kong tamaan, kaya ko paring hindi indahin. Kahit alam kong tolerable naman ang pain pag tinamaan, hindi ko alam kung bakit lagi parin akong tumatakbo pag papalapit na yung bola.

Siguro ang rejection e parang volleyball. Alam mo namang hindi ganun kasakit kahit tamaan ka, pero tinatakbuhan mo parin.

Pero sa tingin ko, ito lang talaga yung way. 

--------

Pag may kaibigan ka na after mong bigyan ng financial advice about life insurance e kaibigan mo parin, keep them.

True friend yan.

Char.


08:18 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos