Pwedeng friendly fondness lang to, pero bilang malungkot pag walang crush, patulan na natin.
Rest day nya today at bukas so walang 5 minutes moment. Kahapon nung nag beep yung pinto, alam ko na kagad na sya yun.
Sagad sa buto ang pagiging torpe ko so normally, magpapanggap akong hindi ko sya nakita, pero that time, kusang gumalaw yung kamay ko to wave at him.
Nakipag siksikan sya sa kumpol ng mga lalaking nagchi chismisan papunta dun sa dulo kung saan ako nakaupo. 5 minutes na kwentuhan at ang una kong nasabi e, "PK, namiss kita." I saw his eyes twinkle at that. Then I boldly told him, "tabi tayo pag nag night shift na ko ha." He asked kelan ba ko mag na night shift. Syempre hindi ko alam. He started planning kung san kami uupo.
Friendly si PK. Mahal sya ng lahat at dama ng buong office ang absence nya pag wala sya. Siguro friendly lang rin ang fondness na to, pero ang boring ng walang crush kaya ipilit natin.
"Pag nakikita ko ang buhok ni <insert ng name here>, parang gusto kong kumain ng pancit canton." - mga ganito banat nya. Lol.
I often call him "anak ng drug lord" because of an inside joke.
Ano't ano pa man, sana maging mabuti kaming magkaibigan ni PK.
R was the closest guy friend I ever had. Nagkatalohan, nagka harutan, pero in the end, hindi naman nagkatuluyan. Ok lang rin naman.
Masaya kasama si PK. Mukhang malabo namang magkatuluyan kami non, pero sana makasama ko pa sya ng matagal.
09:45 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く