1:15 and I still can't sleep.
Yung guy na feeling ko type nya has taken the seat next to him bilang nag resign na si P****. Ewan ko.
When he got to the office, he went to my seat to initiate a convo. I made myself busy with the things I'm busy with outside the office. He took the cue.
Mega kwento sila nung guy na feeling ko crush nya kanina. He's sarcastic most of the time, pero to that guy, mabait sya.
From time to time, pumupunta sya sa seat ko in another attempt to start a convo. Ang hirap. Ang hirap hirap makipag-usap. Hindi ko rin gets. Parang ayoko ng palalain pa to. Pag nakausap ko ulet sya baka mas magustuhan ko pa sya e.
Lagi lagi sa kanya ako nagtatanong pag meron akong hindi alam gawin sa office. May Japanese call na pumasok sa kanya kanina, so Kurt told him na ipasa sakin. The whole time, he was behind me, pero mas pinakikinggan ko si Charlie. When he left to go back to his seat at hindi alam ni Charlie yung sagot sa tanong ko, normally sa kanya ako magtatanong, but I went to ask PM instead. Ang hirap makipag-usap. Ang hirap ngumiti sa kanya. Dati dati never akong umalis ng office na hindi nagbababye sa kanya, pero kanina I skipped mentioning his name and went out and said bye to everyone in general. Heck, I couldn't even say his name.
Siguro iso-sort out ko lang muna tong nararamdaman ko. Gusto ko parin naman syang makasama. Sana kahit paano magawa ko yung friends lang na setup. Sana maayos ko to. Kasi, putek, ilang beses na bang nangyari yung ganito? Ayoko na bumalik sa ganito.
Nalulungkot ako.
01:41 AMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く