I bought an electric lunch box yesterday. Pwede mag init ng food, mag steam at magluto ng itlog. Gusto ko na kasi maging healthy. At bilang vegetarian na ko, hindi naman kasi talaga ganun ka accessible ang mga pagkain, though I still eat animals without backbone (ie, shrimp, squid, crab).
So nagpunta ako sa palengke kagabi. Aliw ba aliw ako sa palengke. Isang tali ng kangkong, nabili ko ng 5 pesos. 2 tali ng okra, sampum piso. Bumili rin ako ng 1 pack ng sili. Sa halagang bente pesos, may 2 meals na ko.
Bumili rin ako ng isang tray ang itlog. 30 pcs for 195. Hindi ko akalaing pwede palang mabuhay nang ganito lang kamura. Bukas, babalik ako ulit sa palengke.
Gamit ang electric lunch box, maglaga ako ng okra, kangkong at itlog. In 15 minutes, may hapunan na ko.
Sa grocery, bumili ako native suka probinsya levels. Ang sarap, Bes. Nilagyan ko ng sili at toyo. Dun ko sinawsaw yung okra at kangkong. Winner talaga. Wala pa atang 50 pesos ang halaga ng hapunan ko ngayon, pero parang 5 star hotel ang lasa. Wala pang ka effort effort yan.
Ang downside lang e, eto, ang dami kong huhugasan. Sighs.
Wala lang.
So this is how 34 looks like. This is actually good.
----------
Tita Pet gave a flower paper weight and an hour glass.
Si Wendy, binigyan ako ng lipgloss from Japan.
Si Sir Jek, Happy Birthday chocolate pop from Goldilocks.
Si Crush, bukod sa pasalubong nyang marmol key chain from Romblon, binigyan rin ako ng ethnic sling pouch na kamukha nung lagi kong dalang bayong pouch.
Ang si sweet ng nga tao sa paligid ko, gusto ko sila i-hug isa-isa... kaso parang ang creepy ko naman pag ginawa ko yun. Lol.
Kung hindi ako praning, siguro sweet akong tao.
10:30 PMにcinderellaareus によって書かれました。
4 コメント