I ended it this morning. Naisip ko nga, the best siguro kung bigla nalang mawawala. Yung wala nang usap usap. Para hindi mo na kailangan mag explain. At para may option yung taong involved na mamili ng explanation mas madaling tanggapin para sa kanya.
Pero marami sa kakilala ko ang hindi sumasang-ayon sa ghosting.
Pero kahit ano namang means ang gamitin, in the end, kung sino ang nag sever ng ties, sya parin naman ang magmumukhang evil. Pero ano naman ang gagawin ko?
...
So ito. Balik ulit tayo sa umpisa. Minsan, iniisip ko kung mas ok na ba na ganito nalang. Ok naman ako mag-isa. Tingin ko kasi ang pinakamahirap e yung bumitaw pag nahawakan mo na. Ganun ba talaga yun? Ganito ba talaga dapat yun? Parang laging pinipilit ang sarili? Sa totoo lang, hindi ko na maalala kung ano ba yung dapat na nararamdaman pag meron kang pinapahalagahan.
------
Was coloring my niece's Zootopia coloring book. There was a drawing there where Judy was hugging Nick and I found it so cute, I took a picture of it and saved it on my phone.
Kung merong love, siguro ganito dapat yung feeling. Same feeling na nafi-feel ko pag tinitingnan ko yung picture ni Nick at Judy. Nag hanap pa ko ng ilan pang sweet photos ng dalawang animated characters na to sa internet. Sa pagkakaalala ko, hindi naman romantic ang Zootopia. Pero basta, ang cute nila.
Gusto ko ng ganito. Yung ganito.
09:00 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く