Sad. Mejo lang naman. I've long unfollowed the guy. Married na e. Tigilan na naten. Siguro mejo na curious lang ako. Mostly business-related yung mga posts nya, so I went and checked the wife's. There.
Well, may konting kirot lang naman. Ang hirap kasing hindi maalala ang mga bagay bagay na lumipas na. At syempre magwa wonder ka rin talaga what could have happened kaya if you've chosen differently.
Hindi ako naniniwala sa destiny. Naniniwala ako sa power ng choices natin. At kahit na yung mga choices ko e dinala ako rito sa buhay na wala sya, wala naman talaga akong pinagsisisihan.
Know what, 2019 has been a really good year for me. Damang dama ko ang biyaya ng Langit para sakin at para sa pamilya ko. I'm more than grateful.
Pero siguro, if the Heavens is feeling a little more generous, sana bigyan nya ko ng taong mamahalin. Syempre lalaki. Dapat single. Sana naman yung wala pang anak. Walang ex wife. Yung naka move on na sa ex. Better if wala syang ex at all. Ok lang kahit hindi perfect, basta perfect para sakin. Walang serious physical issues at syempre dapat healthy- physically, emotionally, and financially. Ganun lang. Marami namang lalaking ganun. Marami nga akong kilalang lalaki na ganun. Ewan kung bakit madalas sablay ang taste ko sa lalaki. Siguro kailangan ko rin gawing emotionally healthy ang sarili ko. Lol.
Anyway, 1am na. Gigising ako ng 7:30 dahil 2 consecutive days na kong late at muntik nang ma late. Sa Friday, makikipag palit ako ng shift kay Angelo para maka attend ako ng contest. 4 hours earlier yun sa shift ko, so puyatan ito. I actually feel bad kasi alam kong may gala sila and they're supposed to meet 4am the following day. Dahil nakipagpalit sya ng shift, 9pm na sya makakauwi at wala na syang itutulog. Ambait ng taong yun. That guy is actually single...
Wala lang. Nabanggit ko lang.
01:18 AMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く