10:13pm. It's almost 10 when I left the office. My shift is supposed to end at 9. Ito na yata ang pinaka hyper na work day ko since I came here. Kababa ko lang ng phone, may pumasok kagad. 3 users yung kinailangan kong isupport sabay sabay. Epic.
Nakakatuwa lang na ambabait nung mga kasama ko sa trabaho. Kahit yung mga hindi ko naman talaga normally kinakausap, ang he-helpful. Tapos pumayag pa sila na mag endorse ako ng tickets. Thank you so much! T_T
-----
So, wala akong pasok bukas. May pasok kasi ako sa weekends. Kailangan kasi ng 24-hr support sa weekends dahil magkakaron ng outage. 9pm-6am ang shift ko Sat-Sun. 9-hr shift pero technically 2 days ang kakainin. Ok na rin. As long as nandun si PK, magsu survive naman siguro ako. His shift will end by 1AM. On what to do from then till 6AM, bahala na. In a way, tingin ko, ito na rin ang best option for me.
-----
Contest ulet tomorrow. Wala pa kong speech for the international speech contest. Hindi ko alam why I've spent most of my free time binge watching Twoset Violin on Youtube. I could've used that time to finish my speech. Gusto ko matuto mag violin. LoL. I barely have time as is.
Ang pangarap ko talaga e maging district (national) champion. When I checked, I realized that Division contest will be on Feb 8. I'll be in Taiwan by then. Our flight is already booked. Winning the division contest is required to be able to proceed to the District Championship. If so, ano pang point? Haist. Iniisip ko kung aattend pa ba ko ng contest or magpapahinga nalang sa bahay lalo na't may pasok ako ng Saturday- Sunday.
Bahala na. I'm also a little sick. More than a week na ata to. Sarado na ang botika twing umuuwi ako kaya hindi na ko nakakabili ng gamot. Pero kahit ganun, I feel generally happy. Wala namang kakaiba. I just do.
10:30 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く