水曜日. November 20, 2019

Last train

9:14 ang estimated time of arrival ng huling tren sa station na to. Byahe papunta sa place ko sa Manda.

Tatlong linggo na ang ubo't sipon ko at heto, masakit na naman ang tiyan ko. Pero bukod sa pisikal na dinadamdam ko, nalulungkot ako ngayon.

Kagabi (or Kahapon?) namatay daw si Tito Bibot, isa sa mga nakababatang kapatid ni Mama. Most of my adult life, may sakit si Tito. Sa totoo lang, hindi ko maalala kung nagkaron ba kami ng kahit isa man lang na meaningful conversation. Tingin ko wala. Mga teenager ata ako nun nung timira sya samin. Dahil hindi nga sya makausap dahil sa sakit nya, nasanay na kong hindi sya pinapansin si Tito. Ang lungkot siguro nung ganun, tinatrato ka na parang hindi nag eexist. Ewan ko. Masama kasi talaga ugali ko simula nung pagkabata.

Mahihirap ang mga kapatid ni mama bilang karamihan sa kanila e nasa probinsya. Ngayon ko nalamang ang gastos pala mamatay. Mom would like to give about half the entire expenses and asked me to help her. Sabi ko 1k lang ang ibibigay ko. Lol. Akala ko kasi nasa 10k lang ang gastos sa pagpapalibing. Mas mahal pa pala. Kung may pera rin lang ako, madalas e generous naman ako sa mga taong malapit sa puso ko. Since hindi kami close ni tito, sa kanya, neutral lang. Pero naisip ko rin, si Mama ang magpupuno ng gastos kung hindi ako magbibigay. At isa pa, siguro ang kakayahang magbigay e gift na in itself. Kaya, oh sya. Sige.

Mejo nalulungkot ako. Iniisip ko kung sa buong life time ni Tito, naging masaya kaya sya? Si Tita Nic ang nag-alaga sa kanya. Yung kapatid nya na walang asawa. May asawa si Tito Bibot at dalawang anak. Pero may sakit nga kasi sya at mahirap ang buhay nila. Kaya ayun. Ewan.

Sinubukan kong alalahanin kung paano si Tito nung okay pa sya kaso sobrang bata pa ko nun at hindi ko na talaga maalala.

Totoo kayang may langit? Sana sa langit, kahit paano, magkaron na nag better na buhay si Tito.

--------

Kagabi I was all, "ang ganda ng pilik-mata mo" to this dude I was with. Ang ganda nga kasi talaga ng pilik-mata nya. And everytime na may nakakapansin nun, nagbu beautiful eyes sya. Lol.

Today, I just noticed that *'s eyelashes are nice too. Mapilantik. Naisip ko rin na kung ililista ko lahat ng hinahanap ko sa lalaki, he would tick off every single one of my list.

Bakit nga hindi ko man lang naging crush to? 


09:40 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos