So, umuwi ako sa bahay from work. Kumain at nakipagchismisan saglit sa kapatid ko, tapos umalis papuntang bangko sa may SM. Hindi pa natutulog, hindi pa naliligo. Hindi na rin ako nag bother ma mag lipstick.
So, past 12 nung lumabas ako ng SM pauwi na sa bahay. May lalaking sumalubong sakin na panay sabi ng "Miss..." akala ko mga tricycle driver na nangungulit na sumakay or kaya goons, so di ko pinansin. Tas lalong lumapit yung lalaki at panay miss ng miss ps rin sakin. Pag tingin ko sa guy p*@! $#/&*?!!! Yung crush ko sa previous company ko! Takte. Anong ginagawa nito sa SJDM, Bulacan, e alam ko taga Fairview to? Sheeesh.
Wala lang. I had all the time in the world para magsuklay man lang at mag lipstick. Takte, jahe. Sighs.
Anyway, ayun lang naman. Hindi na naman kami magkikita ulet non. Yaan mo na.
Naalala ko lang yung line sa Meteor Garden dati... dapat daw ang babae, laging nag-aayos at nagpapaganda dahil hindi nya alam kung kelan nya makikita ang prince charming nya. Oh sya, next time.
PS: Dapat pala nag picture ako. Wala lang. Remembrance.
12:28 PMにcinderellaareus によって書かれました。
2 コメント