A month before my trip, nagsubmit na ko ng leave request kay TL. Ewan ko kung nakukulitan na ba sya sakin. Shift bid kami ngayon, meaning, kung sino ang mas mataas na score, sya ang may karapatang mamili ng shift.
Partial result for the 1st 17 days of the month just came this week. I'm ranked 6th. 8 lang kami. Syempre naka panic mode na ko dahil dito dahil: 1) ayoko na bumalik sa night shift, 2) I need the best shift possible para konti lang ang makuha sa leave ko for the Taiwan trip, 3 ) Well, mejo nagising rin ang competitive side ko. Syempre ayokong matalo. But more than anything else, ayoko na talagang bumalik sa night shift.
Had a coaching sesh with TL earlier. Inexplain nya kung paano kino compute yung scores. Iniisip ko kung nakukulitan na ba sakin to.
Hayst. Ang hirap mag leave. Ang hirap, Universe. And this is just the 1st streak. I have more in the following months.
------
Ang alam ko, I've unfollowed the guy a long time ago na. Ewan ko kung bakit lumabas sa news feed ko yung post na tinag sa kanya ng wife nya. Nanganak na pala yung asawa nya. Baby girl. Kamukha nya. Hindi naman na masakit. Pero syempre may part sakin na nagwo wonder, "kung kami ang nagkatuluyan, ano kaya hitsura ng anak namin?"
It helps na may iba akong nagugutuhan ngayon.
Pero negs din. Wala naman syang gusto sakin. Hahaha. Pero ok lang. Mejo boss ko kasi yun so magiging complicated lang pag na reciprocate. Tamang pang paalis lang ng boredom lalo na't naiistress na ko sa kaganapan sa iba't ibang aspects ng buhay ko.
Minsan naiisip ko na "hindi kaya panahon na para bumuo ako ng pamilya?" But building a family requires another person. And that other person is out of my control. I have decided to let go of everything that I couldn't control.
Tingin ko, magpapayaman nalang ako.
08:18 PMにcinderellaareus によって書かれました。
2 コメント