Lifted na ang travel ban sa Taiwan. Learned from Mel that their company is considering na wag na ituloy ang self-quarantine nila. I asked the boss if ako rin ba. Said he'll ask the Manager on Monday. Sa totoo lang, I'd love to rest some more. Tinatamad lang talaga akong mag file ng sickness benefit application sa SSS at umaasa parin ako na baka mahabol ko pa yung stats ko para sa shift bid on March.
3rd day of house arrest (self-quarantine). Nag plano ako kung paano ako magda diet. Sinimulan ko na rin mag stationary bike for 30 minutes. Bad trip lang, naisipang mang libre ng kapatid ko. Nung lunch nagpa lechong manok sya. Hindi ako na apektohan bilang hindi naman ako kumakain ng hayop. Kaso nung meryenda, nagpa cassava cake at palabok sya. Oh well, I'll start again tomorrow. Gusto ko pag balik ko sa work, sexy na ko. Please help me, Universe.
Mel, who is also in house arrest, e nagyayayang mag jogging. Ayoko magjogging. Nakakapagod. So sabi ko mag Sagada nalang kami, or Baguio, o kaya magpa tattoo kay Wang Od. Kahit ano basta wag lang kami mag jogging She said yes to Sagada. Syempre nag jo-joke lang naman ako. Goodness, diet na diet kaya ang wallet ko ngayon. Ni hindi nga ako makapuntang SM.
Na surprise ako sa naging expenses namin sa Taiwan. Mga 30% lang ng total budget ko ang nagamit namin. Tatlo na kami non. And we were eating lavishly most of the time (though there were times na nag 7-11 lang kami or kaya nag tinapay because we didn't have much time). I have a few dollars left from our trip, may pera naman talaga ko. Hindi nga lang peso. Sayang rin kasing ipapalit. Bababa na ang value.
E kung tumuloy kaya akong Sagada? After ng hassle na nai cause ko sa boss ko with this trip, hindi ko alam kung mapapayagan pa ko sa matagalang leave next time. Hindi ko rin sure kung may leave credits pa ko. Feeling ko ito nalang ang chance kong makagala ng matagal.
-------
Andami kong time!!! Wooohooo! Sana tuloy ang quarantine. Sana bayaran parin ng SSS ang leaves ko. Sana magkaron ng milagro sa shift bid at makuha ko parin ang gusto kong shift.
Nalinis ko na ang kwarto ko. Sunod kong gagawin e magbasa ng libro. May nabasa akong article na may book daw si Dean Koontz nung 80s pa kung saan accidentally e parang na predict nya ang pagkalat ng virus sa Wuhan ngayon. Wuhan-400 ang tawag nila sa virus dun sa book. Kaka download ko lang. Malapit ko na matapos yung isang chapter. Si Dean Koontz e isa sa mga paboritong authors namin nung college. Nagkalat ang Dean Koontz books na sumicirculate sa section namin noon. Marami kasing Dean Koontz books sa Book Sale at yun lang ang afford namin dati. Funny we can afford more expensive books now... but for some reason, we don't read as much anymore. Hindi ko masasabing dahil busy kami ngayon. We were engineering students. Boy, we were more than busy. Feeling ko nga mas busy pa kami back then kesa ngayon. Siguro sadyang naiiba lang ang priority natin as we grow older.
----
Siguro kailangan kong mag low-internet diet para maging productive.
09:48 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く