Past few days, I've been reading "eye of the darkness" by Dean Koontz. Eto yung fiction book na naisulat nung 80s pa pero para napredict nya ang existence ng COVID-19. For days nakakulong ako sa kwarto at lumalabas lang para mag wiwi or kumain, all to finish the book. Bigla akong na home sick. Kaya today, I spent time, like really spent time, with my family kahit nasa bahay lang. Ang weird naman kasi yung na homesick ka kahit nasa bahay ka lang. Lol. The book can wait.
------
Iniisip ko parin yung ibig sabihin nung panaginip ko kagabi. Kahit naman kasi sa bible, may interpretations ang mga panaginip. Iniisip ko kung related ba to sa love life ko na hindi ko maayos.
Kaya today, sinagot ko lahat ng nag message sakin sa dating site kahit tamad na tamad ako mag type.
Umoo din ako sa team building ng office namin kahit na I don't usually go to team buildings. Well, partly kasi natatakot din akong maiwan sa office para mag support, and partly to get to know the people there, especially the single men. Bukod sa crush ko na ni hindi ako sure kung single ba, wala naman akong ibang bet sa office. Pero malay mo.
Then there's this dude lurking around. He doesn't have a good reputation in our circle. Nothing extreme. Inentertain ko na rin. Again, malay mo.
Naalala ko yung sabi ni Andee. Ang mga single daw e dapat laging nakikipag date. Hindi para makilala yung guy, kundi para mas makilala mo pa yung sarili mo. I guess I'm taking that advice.
Naalala ko rin kasi si Parrot. I ignored that guy for years, and when I tried to go out with him, he turned out to be a really good guy pala. Dapat laging open sa possibilities. (Parrot is already married now with his very pretty wife, btw).
Ayoko lang magkamali. At kung sakali man na sa pagiging mapili ko e manatili na kong single, ok lang din. I actually live an incredibly wonderful life as a single person. It's not going to be so bad.
Ang mahalaga lang e yung wag mahulog or magpauto ulit sa maling tao. Nag-iingat ako sa part na yon. I'm convinced though that my values in life have a stronger hold of me now, than my emotions do. I should fine.
Sa ngayon, gawin na natin to.
07:27 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く