Ilang araw din kitang di na access, tabulas. Akala ko wala ka na for good. Thank you, Roy Kim, from bringing the site back. Bless you! <3
-------
Ambigat ng kaganapan sa 2020. And we're still on the first quarter.
Lockdown na ang Metro Manila dahil sa virus. I live in Bulacan. Katatanggap ko lang ng balita na pwede mag work from home sa company namin basta 1) may dsl na internet connection ka, 2) meron kang desktop PC. I don't have both. Sabi ni Yang, it could take 1 month daw para makapagpakabit ng dsl. Mukhang need ko talagang pumasok.
I had a dsat at work. This will drag my score down, when I'm not even doing that good in the first place. This is my first dsat. Ni hindi ko matandaan kung sino yung user sa dami ng tawag na nakukuha ko sa night shift. Ayoko na rin personalin pa. Siguro pagod lang rin sila, gaya ko. Iniisip ko lang, baka ma stuck na ko neto sa night shift.
Pero alam mo, sa kabila ng kaguluhan na to, nananatili parin akong positive sa trabaho ko dahil kay D---yung bago kong crush. O di ba, sumasaya talaga ang buhay pag may lalaking involved. Lol.
Gwapo si D. Isa sya sa mga TLs namin. Magaling sya, matalino. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagustuhan to dati kahit na papasa sya bilang type ko. Siguro dahil mejo strict sya. Pero lately, parang ang lenient nya na sakin. Naaawa narin siguro dahil late na rin kaming nakakapag lunch sa dami ng calls daily. Iniisip ko lang, ngayong may work from home option na at dahil techy si D, for sure may dsl yun kaya malamang nagwo work from home sya. Wala nang pangpa brighten ng araw ko sa office. Oh well...
-------
Ung isa kong crush, last day na sa company on Monday. Hindi kami magkikita for sure dahil nga panggabi ako. Sobrang thankful ako sa taong yun dahil sya ang nag hire sakin. Sana maging ok ang lahat sa lilipatan nyang work.
-------
Pabilis ng pabilis ang pagtaas ng cases ng COVID-19 sa Pilipinas. Kung nasan man ang future husband ko, sana ok lang sya at hindi sya tamaan ng virus, kasi, Lord, hindi pa kami nagkikita.
06:22 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く