金曜日. March 20, 2020

Moon

Hello.

Day 4 ng home quarantine. Our baranggay will issue a quarantine pass that will enable just 1 person in every household na bumili ng grocery at gamot. 18-50 years old lang ang eligible, so either me or my brother. Brother is on work from home. So malamang, ako. Mom told me to lock myself up in my room, so when the baranggay people shows up, they'll have no choice but to name the pass to either of my parents. Ayaw kasi ni Mama na ipangalan sakin yung pass. Hindi daw kasi ako marunong mamalengke.

Hindi ko alam. Sa totoo lang, natatakot ako.

May mga usap usapan na may mga tricycle driver daw na nagbabalak nakawan ang Puregold dahil nga suspended ang byahe nila at wala silang makain.

Parang ganito ang inaalala ng tatay ko a few days back. Pag nagutom daw ang mga tao, baka dumami ang magnanakaw at akyat bahay.

Tumawag ang bestfriend ko kanina, kahit nasa Malaysia sya at nasa maayos na kalagayan, naisip nya pang alalahanin ang mga tricycle driver na mawawalan ng hanap buhay. Kawawa daw.

Ako, iniisip ko lang kung anong mangyayari sa pamilya ko.

------

Sinusubukan ng kompanya namin na magpadala ng PC saming mga bahay. Yung mga taga Metro Manila, nakuha na ang PC nila. Yung sakin, ewan ko. Mahigpit ang checkpoint dito sa Bulacan. Hindi ko alam kung papapasukin sila dito. 

Sabi ng iba, mas marami pa daw namamatay sa ibang sakit kesa sa COVID19. Pero iniisip ko, kung meron pa bang ibang sakit sa kasaysayan na naging dahilan ng pagsasara ng mga paliparan, ng pagpapanic buying ng mga tao, at nang malawakang quarantine ng mga lalawigan.

Nakakatakot.

Sa sobrang takot ko at pag-aalala, hindi ko maintindihan kung paanong nagagawa ng iba na magpatuloy na mabuhay na parang wala tayo sa krisis.

Si Mel, gumawa pa ng GC kasama yung dati kong kasama sa trabaho na gustong gumaling sa English para daw maturuan namin.

Si Jane, nakipag video call pa para ipakita sakin yung baby nya na marunong nang sumipa.

Yung mga kasama ko sa club, busy sa pag aasikaso sa kauna unahan naming online meeting. Kinukumbinsi ako ng presidente na sumali.

At yung kaibigan kong si El Ey, naisipan pang mangumpisal ng damdamin sa taong nagugustuhan nya. Oo, sa kalagitnaan ng krisis ng coronavirus. Ayun, na reject sya.

Iniisip ko kung paano nila nagagawa ang mga bagay na to. Hindi ba kayo nag-aalala?

Mabilis uminit ang ulo ko nitong mga nakaraang araw. Hindi naman ito normal sa akin. Nangyayari lang ito pag takot at nag-aalala ko. Alam iyon ng nanay ko kaya madalas nya kong pagsabihan na wala naman daw mangyayari kung mag-aalala. Baka daw magdulot lang ito ng sakit sa akin.

Nagluto sya ng paborito kong champorado para sa almusal kanina. Araw araw rin na merong hipon sa hapag, bilang hindi naman ako kumakain ng karne ng hayop na may backbone. Binilhan nya rin ako ng lettuce dahil alam nyang mahilig ako sa salad.

Isa sa mga bagay na pinahahalagahan ko sa buhay ay ang aking kalayaan. Ngayong limitado lahat ng galaw namin dahil sa quarantine, natatakot talaga ako. Hindi na ko makapaghintay na bumalik ulit sa dati kong buhay.

Pero siguro, mali nga ako. Mali nga siguro na magpatalo sa takot at kalimutan na sa kabila ng lahat ng ito, pinagpala parin ako sa napakaraming bagay.

Sa totoo lang, ayokong kausapin ang mga kaibigan ko. Gusto ko kasing magmukmok at isipin ang nga bagay na inaalala ko, pero makukulit ang mga kaibigan ko. Ipinagpapasalamat ko na hindi sila basta bastang sumusuko sa akin.

And my pure mother. Sumasayaw sayaw pa sya kanina kahit alam nyang mainit ang ulo ko. Paminsan minsan, kumakanta sya in silly lyrics as if telling me na, it's ok, we can take things lightly.

Marami pa kaming pagkain.

Gumagawa rin naman ng paraan ang kompanya namin para makapagtrabaho kami.

May kuryente, may tubig, may cellphone, may internet.

Siguro hindi naman talaga kailangang magpatalo sa pag-aalala.

Sinend ko kay El Ey yung picture ng crush ko. Kahit sya, umagree na gwapo. Tinanong nya ko kung sure ba akong hindi bading to. Kasi nga, ang daming kong nagustuhan na bading dati. I told her, hindi bading si crush. May anak nga eh. Sabi nya, umiwas daw kami sa taken. So I told her na inspiration lang naman. Bukod kasi sa gwapo to, magaling din at matalino. She understood.

So I look at crush's picture and somehow the world seem to feel a little less crueler. Takte, ang gwapo talaga nitong lalaking to. Sa totoo lang, hindi ako mahilig sa gwapo. Kaya nga hindi ko nagustuhan dati to e. 

Ang sarap nya lang rin talagang tingnan. Sa totoo lang, mas bet ko ang mga lalaking masarap kausap. Hindi ko alam kung masarap ba sya kausap, kasi pag nasa trabaho ako, takot ako sa taong to. Mahigpit nga kasi sya. Pero sa kanya parin ako laging nagtatanong pag hindi na alam ng mga katabi ko ang sagot sa tanong ko. Magaling nga kasi sya. Hayyyy, namimiss ko na yung crush ko.

Nasa gitna na tayo ng krisis, pero takte, naiisipan ko pang kumerengkeng.

Pero sa totoo lang... mas kalmado na ko ngayon.

Salamat, Crush.


04:16 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos