Unang off ko simula nang mag wfh ako.
Wala lang. Parang may work din. Di ko mapigilang magbasa ng chat sa group chat na pang work. Nakichismis na rin ako ng kaunti. Natutuwa ako na natagpuan ko ang company na to bago ang COVID-19. Natutuwa ako na natagpuan ko ang company na to, period.
---
My ladies are planning for an e-numan sesh on Saturday. May work ako nun. Hahabol nalang siguro ako. Gusto ko ng moscato. Or anything sweet. Puro dry ang wine dito sa bahay. Magso softdrink nalang ako.
Kung tutuusin, hindi naman talaga ako gala, kaya ok lang ako sa buong quarantine setup na to. Nakakausap ko parin ang mga friends ako, nakakasama ko ang parents ko, at nakakapagdilig pa ko ng halaman.
Ngayon ko narealize na hindi pala ganun ka importante ang mga bagay na pinaglalaanan ko ng oras noon. Kasi kahit ngayon na hindi ko na yon nagagawa, ok naman ako. Hindi ko naman namiss.
Hindi man masyadong ramdam, alam ko, binabago tayo ng krisis na to. Siguro pag labas natin, pag nasurvive natin to, magiging better na tao na tayo.
Lagpas isang linggo na ako sa bahay. Nagbago man ang buhay ko, hindi ako nakakaramdam ng lack sa ngayon. Pakiramdam ko kasi, lahat ng kailangan ko, nasa akin na. Kahit ang totoo nyan, wala akong masyadong pera. Haha. Pero ok lang.
Ok rin yung ganito no? Simple.
10:25 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く