Half way palang nag shift ko, wala na kong ginagawa. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit maraming may gustong weekdays ang off.
-------
Kamusta na kayo?
Ako, I'm all good. I'm actually getting cozy with this wfh setup kaya hindi ko gets kung bat may mga kasama ako sa trabaho na gusto nang matapos ang lockdown na ito.
Iniisip ko lang baka masyado akong masanay sa hermit mode, makalimutan ko nang asikasuhin ang sarili kong lablayp.
--------
Nakakaaliw yung user na tinawagan ko sa webex kanina. Nagka on talaga ang video ni kuya. Infey, wafu. Hahaha. Mas type ko parin si Crush. Mas mukhang malinis.
Alam mo bang alam ko ang password ng cellphone ni Crush?
May record din ng boses ko sa phone nun (pero baka binura nya na). Lol.
Syempre, malamang for work-related reasons.
He called me kanina. Softphone setup. Para daw mabilis. Feeling ko kahit anong gesture ang gawin ng taong to, hindi ko rin mabibigyan ng malisya. Ang no-nonsense nya kasi e. Tipong kahit magjoke sya, hindi ka mangangahas na macarried away. Ewan ko din.
Alam mo bang same kami ng birthday? Naniniwala ako na ang mga taong parehas ng zodiac sign, madalas parehas ang ugali. Ang weird lang, kami nga same birthday na, hindi naman magkaugali. Lol.
May boses ng babae sa kabilang linya nung tumawag sya.
...
Hayst, kailangan ko nang humanap ng ibang crush.
*EDIT
Biglang may pumasok na call. Takte, di na ko petiks. T_T
10:18 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く