1:27AM. Nag out ako sa office ng ala una. Kahit may soft phone, halos lahat ng natatanggap ko nung bandang gabi na e hindi ko marinig sa kabiling linya. Tinuring kong ghost call. 16 calls today. Isa lang ata yung talagang nakausap ko. Hindi ko maintindihan kung bakit pagod na pagod ako.
Hindi ako nanood ng news today. Extended ba ang lockdown?
Kawawa naman ang kapatid ko. Paano sya makakapunta sa Cavite para samahan ang hipag ko na manganganak?
Mararaming pumupuri sa mga bansa na mahusay naha handle ang virus. Pero kung titingnan mo sila, kahit sila rin nag-istruggle. Talagang sinusubok tayo ng virus na to. Nakakatakot.
At alam kong hindi lang ako ang takot. At pag takot ang tao, lumalabas lahat ng defense mechanism nila/natin to cope.
Meron ako kakilala na medyo na off ako kasi pakiramdam ko sa sobrang takot nya, wala na syang pakialam kung anong effect ng gusto nyang mangyari para sa iba. Pero nung sinabi nyang hindi sya pwedeng magkasakit dahil kawawa naman ang nanay nya at sya lang ang inaasahan, mejo naiintindihan ko na. Nakakalungkot na minsan maiiset aside talaga natin ang pagiging humane pag nagkakagipitan na.
Sa totoo lang, madalas, wala rin naman akong pake.
Ang cheap ipagtanggol ang mga kawawa kung puro ka lang salita. Words are cheap. Action lang naman talaga ang nagka count in the end.
Nakakabilib ang mga taong nagagawang tumulong at ilagay ang sarili nila sa panganib ngayong may krisis. Samantalang ako ni hindi makapagpaluwal ng isang libong piso para mapakain ang isang mahirap na pamilya sa loob ng isang linggo.
Gusto ko lang siguraduhin na laging may nakahandang pera para sa pamilya ko. Na pag nanganak ang asawa ng kapatid ko, hindi nya kailangang mamroblema kung saan kukuha ng pera. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang lockdown. Hindi ko alam kung sasapat ba sa amin ang sahod ko. Paano kung biglang may magkasakit?
Scarcity mindset. Hindi ko naman talaga gusto to. Pero syempre uunahin ko parin ang pamilya ko.
Sana maraming nilagay ang Diyos na mabubuting tao para tumulong. Sana sapat ang resources nila para sa lahat nangangailangan.
Sana matapos na to. Sana talaga, Lord.
01:59 AMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く