So I woke up on a gc convo with college friends:
S: Andaming lumalabas sa amin. Hindi na talaga matatapos to (ecq). Andaming pasaway. Nakakainis na.
A: Uu. Samin din, may mag-asawa pa nga na sabay namamalengke. E sinabi na nga na isa lang kada pamilya ang lalabas.
S: Dapat talaga ibalik na ang bitay.
AKO NA MAY PARENTS NA SABAY MAMALENGKE: *gasps and thinks silently*~ Luh, bitay kagad?!
Hindi ko hinuhusgahan ang mga kaibigan ako. Alam kong kagaya ko, stressed lang sila at nag-aalala dahil sa mga kaganapan. Ang sakin lang, palaisipan talaga kung bakit ang dali para sa ibang gawing solusyon ang pag kitil ng buhay. Takte, makaapak lang ako ng ipis, masamang masama na loob ko.
------
Maundy Thursday. First time kong walang pasok on a holy week in 7 years. Ok lang kahit walang triple pay.
Lumabas ako ng kwarto after shift ng mga 6AM. Gising na ang nanay ko at nag eexercise. Nag hilamos lang ako saglit at matutulog na sana but Mom said mag almusal muna kami.
Pansit canton, fita bisquit, milo at kape.
Napakasimple lang nga mga bagay na nagpapasaya sakin. Halos lahat naman ng kailangan ko sa buhay, I already have, right here. Sa bahay. Sa totoo lang, wala akong issue sa ecq. I know maybe not everyone is feeling the same way.
Sana ok lang ang mga kaibigan ko. If thinking about hanging ecq violators will help them cope better, I'll let them be. Saka ko na ieexplain ang point ko pag ok na ang lahat at hindi na kami stressed. Pero syempre, sana naman, wag magkatotoo na mauwi pa sa pagbitay. Madaling maabuso ang batas. Hindi madaling palitan ang buhay.
02:00 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く