Wednesday na. Konting tiis nalang at "weekend" ko na.
I know I'll be in deep deep shit kung mawawalan ako ng trabaho, pero... ewan! ECQ blues parin ba to?
Few days back, an officemate who was assigned to a morning shift asked me if gusto kong makipagpalit. Andami kong reklamo sa dami ng trabaho sa night shift, ewan ko rin kung bakit ako tumanggi. Lol. Matagal tagal na rin magmula ng nagkaroon ako ng Japanese call.
Allergic na allergic ako sa mga messages these days. Lalo na pag galing sa club. Ewan ko. I don't want to hear from anyone. Work is stressful enough, naiirita ko sa mga taong mas madami pang demand kesa sa boss ko. I know they are trying to be more careful lately. I just can't find it in my heart to care anymore. Ang alam ko lang, pagod ako. At iniisip ko palang na kailangan ko silang kausapin, napapagod na ko. I feel like I've reached my limit. Two months left for the term. After neto, ayoko na talaga.
Ang gwapo nung crush ko. Humaba na buhok nya kaya nilagyan nya ng head band (?). Takte, ang cute cute! May kapatid ba to? Hahaha.
Hayst. Wala lang naman. Taken yan e. Tamang eye candy lang. Mas bearable kasi ang trabaho pag merong gwapo. Hahaha. Kahit ang suplado kamo nyan.
Pwede kaya mabuhay with least resistance? Hindi naman ako ganun katamad. Willing akong magtrabaho. Hindi ako takot mahirapan, pero sana sa something na magaling ako. Sa totoo lang, ang nagpapa stress sakin dito sa trabaho ko e yung mga times na clueless ako sa gagawin ko kaya kailangan ko pang mang bulabog ng ibang tao para tanungin. Ayokong ayoko na nangha hassle ng ibang tao, kaya mas lalo akong naiistress. Ginagawa ko naman lagi yung best ko. Ang hirap paring hindi mataranta.
Ang sakit ng ulo ko today. Para pa kong lalagnatin. Nagkaka COVID ba yung hindi naman talaga lumalabas ng bahay?
Saan kaya ko makakakita nung kasing pogi nung crush ko tas hindi taken tas magkakagusto sakin? Hahaha.
Takte, ang random!
Nakakaaning sa bahay, pero ayoko parin matapos ang ECQ. Ang haba kaya ng tulog ko these days.
Ang kanji para sa Wednesday, same kanji sa water. Bakit kaya no?
Sighs, ang gwapo nung crush ko.
Wahh! Paulit ulit? Hahahaha!
06:40 AMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く