Past 12mn, "lunch" ko at work. Dahil madaling araw at wala naman tao sa baba ng bahay namin, ang daming ipis sa dining table. Keber lang. Ang kulit lang nung isang ipis kasi kahit takutin ko sya papalayo, maya maya, bumabalik sya ulet.
Sinubukan nya matago sa likod ng kaldero habang gumagapang sa pantakip ng pagkain. Akala nya yata, di ko sya nakita. Naglapag ako ng dalawang butil ng kanin sa tabi nya, tas dali dali syang lumapit sa kanin at kinain yun na parang gutom na tuta.
Nalulungkot ako. Pag dumami sila ulet, malamang, iisprayan sila ni Mama ng Baygon. Naiintidihan ko naman. Pwede nga naman kami magkasakit dahil sa kanila... pero kasi... ewan ko. Kasalanan ba nila yun?
-----
Sunday pala ngayon. Feeling ko Monday. Kababalik ko lang sa work kahapon after ng "weekend" ko. Sa Monday, 6PM-3AM na ang sched ko. Iniisip ko kung makakatakas pa ba ako sa night shift. Kung tutuusin, ok lang naman.
Nakakastress lang yung internet connection ko. Nakakahiya talaga sa user na minsan sa kalagitnaan ng call e nadidisconnect yung mga tool kaya kailangan ko mag call back. Takte, pagnag restart ako ng PC, mabilis na pag napagana ko yung tools ko ng 30 minutes. Bumibilis lang ang internet ng mga 1AM. Takte, mas maaga na pasok ko ngayon, so, good luck. Iniisip ko nga kung mag leave nalang muna ko hanggang hindi pa ko nakakahanap ng maayos na internet. Pero takte, I need money, so I need to suck it up.
-----
Gusto ko na yumaman.
09:01 AMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く