Club anniv next week. People no longer bother me as they used to. Maybe they've gotten used to my absence already.
TL sent me a message last night asking if I'm ok with 12nn to 9pm shift. We're having more and more Japanese chats these days and the morning people need backup. Though I said yes, sabi ni TL di pa naman daw sure. Were having fewer calls at night. Baka matuloy na ang earlier work shift ko next week. Bahala na. Nakakataranta kasi mag Japanese support. Iniisip ko nalang, I have a workmate who can't read so much kanji pero nagsurvive naman. I can read about 1000 (or lessss haha). Kaya ko rin naman siguro to. Marami rin naman pwede tanungan sa umaga.
Wala pa pala akong 1 year sa trabahong to no? Nakakatuwa na kahit paano, I feel comfortable around them na parang matagal ko na silang kakilala.
1 more day at off ko na. I usually spend my days off sleeping, but recently, binigyan kami ng pusa ng kapitbahay, so I'd probably play with the cat. I still think I'm more of a dog person, but I love our cat. Nung 1st day nya rito, ilang oras syang nagtago sa ref. Day 2, nahihiya hiya parin sya. Pero ngayon, takte, sobrang kulet na. Pero sobrang sweet din. He knows where he should do his business kaya hindi sya mahirap alagaan. Naawa lang ako sa mga alaga kong ipis. Mas mabilis nyang naubos ang mga ipis sa bahay kesa sa Baygon.
Ang dalas ng pag-ulan nitong mga nakaraang araw. Naalala ko na ang confront food ko twing tag-ulan e tocino. Dahil hindi na ko kumakain ng karne, hindi ko na alam kung ano pang comfort food ko. Siguro ice cream. Sawang sawa na ko sa hipon. Allergic pa ko sa itlog. Hayy, na miss ko bigla yung Bodhi. Gusto ko rin ng sushi. Ang sarap at ang lalaki ng sushi sa Taiwan. Ang daming choices tas sobrang mura pa. Mas masarap ng very slight ang sushi sa Genki Sushi, pero takte, naka over 1k ka na hindi ka pa busog. Gusto ko ng miso soup at unli cabbage na may goma dressing sa Yabu. Pagkain lang yata ang namiss ko sa labas. Gusto ko ng sushi.T_T
Mom named our cat Jiufen. It's one of the places we went to in Taiwan. Mom loved that place. I'm glad we pushed through with our trip. My parents' eyes always light up in delight every time they talk about it. Kung iba ang sitwasyon ngayon, I would've brought them to Korea sana. Sana pwede na next year. Sana kompleto at healthy parin ang buong pamilya ko by then. Yun lang talaga ang pinaka mahalaga.
I expressed my interest sa program na planong i-launch ng relationship coach na fina follow ko sa facebook. This program is for single people daw. Sa totoo lang, lovelife ang least of concerns ko sa mga panahon na to. Pero naisip ko lang na if I want to get married, maybe in 3 years time, dapat ngayon palang nagpe prepare na ko. Also, I see flirting as an important tool. More like a weapon you can use in any battlefield. Parang sa Art of Seduction. Excited na kong matuto kay Coach.
-------
May nakita akong meme. Ansabi kaya daw pala heal as one e dahil bahala ka mag heal mag-isa mo. Lol.
03:10 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く